‘ABC’ throwback: Chito nagbahagi ng old photo kasama ang BFFs na sina Angel at Bubbles

Images via Chito Miranda | Instagram
  • Ibinahagi ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ang isang lumang larawan kasama ang kanyang malalapit na kaibigang aktres na sina Angel Locsin at Bubbles Paraiso
  • Sa caption ng litratong ibinahagi niya, nagkuwento rin siya tungkol sa kanyang mga kaibigan
  • Makikita sa larawan ang tatlo na nakasuot lamang ng mga simpleng damit at talagang mas bata kaysa sa ngayon ang hitsura; halatang matagal na itong kinunan

Kabilang ang pagkakaibigan ng “ABC” — o ang tawag sa trio ng celebrities na sina Angel Locsin, Bubbles Paraiso, at Chito Miranda — sa mga samahang hinahangaan ng maraming fans sa industriya.

Image via Chito Miranda | Instagram

Sa kanyang Facebook at Instagram accounts, ibinahagi ng Parokya ni Edgar frontman ang isang lumang larawan kasama ang kanyang malalapit na kaibigang aktres. Makikita sa larawan ang tatlo na nakasuot lamang ng mga simpleng damit at talagang mas bata kaysa sa ngayon ang hitsura; halatang matagal na itong kinunan.

“Hahaha! Sorry pero sobrang natawa talaga ako sa pic na ‘to! ‘Eto pala ‘yong mga kababata ko! Halatang-halata sa picture na sobrang komportable namin sa isa’t-isa, kahit walang ayos at ligo, walang problema hahaha! Araw-araw kami magkakasama kahit wala kaming lakad o kahit anong plano. Masaya na kami bumili ng snacks at tumambay sa gas station buong gabi,” pagbabahagi ng OPM artist.

“Sa pagkakaalala ko, galing kami nito sa isang nail spa. Wala kaming magawa kaya nagkayayaan lang bigla (minsan kasi nakakalimutan nila na lalaki ako),” pagpapatuloy niya. “Nakilala ko si Bubbs noong 16 years old pa lang siya. Si Gel naman, naging kaibigan ko more than a decade ago at sobrang dami na naming napagdaanan. Iba’t-ibang adventures and misadventures, pero lahat palaging masaya, kasi we genuinely care for each other.”

Image capture from Facebook

Hindi lingid sa kaalaman ng marami kung gaano kalapit sa isa’t isa ang tatlo. Kamakailan ay napagbintangan pa nga na may special na ugnayan sina Chito at Bubbles, ngunit mismong ang maybahay ni Chito na si Neri Naig ang nagbigay-diin na walang halong malisya ang pagkakaibigan ng dalawa. Sa isang naunang blog, ibinahagi ni Neri kung bakit tiwalang-tiwala siya kina Angel at Bubbles.

“Never ako nakaramdam ng iba. Kapag magkakasama kase sila para lang silang mga bata. Mahal nila ang isa’t isa,” aniya. “Mararamdaman mo naman ‘yon, e. Kahit matulog pa si Chito sa bahay ng mga best friend niyang babae, panatag ako. Kase may tiwala ako sa asawa ko at may respeto rin ang mga kaibigan niyang mga babae sa akin.”

Loading…