Costume na gulay ng batang babae, nagpamangha sa mga netizens

Imahe via Magsasaka Mabuhay Ka | Facebook
  • Maraming benepisyo ang makukuha natin sa gulay bilang pagkain
  • Subalit sa isang post sa social media, ginamit itong costume ng isang batang babae
  • Kinagiliwan ng mga netizens ang malikhaing damit ng bata na sinabayan naman ng kyut na ngiti nito

Mahilig ka bang kumain ng gulay? Maganda ito sa katawan dahil nagbibigay ito ng sustansyang kailangan natin upang maging malusog at matbay laban sa sakit.

Imahe via Free Stock Photos.biz

Karaniwang berde o dilaw ang kulay nito. Mayaman ito sa fiber, beta-carotene, calcium at iron. Bukod pa sa benepisyo nito bilang pagkain, ginagamit rin ito bilang halamang gamot. Halimbawa na lamang ang ampalaya na siyang panggamot sa ubo ng mga bata. Ito rin ay puwedeng panglanggas sa sakit sa balat o pampurga.

Subalit sa isang larawan na inupload sa Facebook page na Magsasaka Mabuhay Ka, Ginawa bilang isang damit o costume ng isang batang babae ang mga gulay. Napakamalikhain ng pagkagawa nito na siya namang kaaya-aya tingnan na suot ng isang batang babae.

Ang damit ay gawa sa pinagdidikit-dikit na tangkay ng kangkong  na sinamahang ng talbos ng ampalaya bilang istrap nito. Tinernuhan naman ito ng kulay dilaw na headband na may ribbon sa gitna. Sa bandang nakatayong tainga ng headband ay nilagyan ito ng dahon ng malunggay. Mas pinaganda pa ang disenyo ng kanyang suot sa kasama nitong munting basket. Ito ay may lamang malunggay, talong, okra, at karot.

Imahe via Magsasaka Mabuhay Ka | Facebook

Hindi nabanggit kung anong pagdiriwang ang mayroon. Gayunpaman, hinangaan ng mga nakakita ng posts ang damit ng nakangiting batang babae.

“Ang husay talaga ng pakinabang ng gulay mantakin mo masustansya na naidadamit pa,” pagpuri ng isang netizen.

“Cute ng batang ito .Ginawang damit ang gulay. Ibigay mo na sa akin lahat yan pagkatapos ng pictorial mo iha. Mailuto naman ‘yan,” ang puna naman ng isa pang netizen.

“Ang galing namang idea ‘yan, at ‘yong bata ang galing din magdala ng suot niya. Ngiti niya, mapapangiti ka rin.”

Ang post na kinagiliwan ng lahat ay umabot sa 4.6K reactions at 542 shares.

Source :

Facebook, FNRI

Loading…