Daniel sa ‘Hello, Love, Goodbye’: Sa amin talaga dapat ni Kathryn ‘yon

Hello , Love, Goodbye poster and image capture from TWBA's video
  • Si Daniel Padilla talaga ang orihinal na gaganap bilang ka-love team ng kanyang onscreen partner at kasintahang si Kathryn Bernardo sa hit movie na Hello, Love, Goodbye
  • Sa panayam sa kanya sa Tonight With Boy Abunda, ibinahagi ni Daniel na sa kanya muna inalok ang role ng leading man ni Kathryn bago ito ibinigay sa  Pambansang Bae na si Alden Richards
  • Aniya, hindi niya tinanggap dahil sa napag-usapan nila ni Kathryn pagkatapos ng The Hows of Us

Ibinahagi ni Blockbuster King of Hearts Daniel Padilla na silang dalawa talaga dapat ng kanyang ka-love team at kasintahang si Kathryn Bernardo ang gaganap sa hit movie na Hello, Love, Goodbye.

Image capture from TWBA’s video

Sa panayam sa kanya sa Tonight With Boy Abunda, ibinahagi ni Daniel na sa kanya muna inalok ang role ng leading man ni Kathryn bago ito ibinigay sa  Pambansang Bae na si Alden Richards. Aniya, hindi niya tinanggap ang role na ito dahil sa napag-usapan nila ni Kathryn pagkatapos nilang gawin ang kanilang blockbuster movie na The Hows of Us na magpapahinga muna sila bilang magka-love team.

“In-offer naman sa akin ‘yon, Tito Boy. Sa amin naman talaga original ‘yon,” pagbabahagi ng KathNiel other half na si Daniel. “I just think that it’s time to, you know, ‘yong napag-usapan namin after The Hows of Us na magpapahinga muna kaming dalawa (as a love team).”

Kuwento ni Daniel, hindi ganoong kabilis ang proseso ng naging pagdedesisyon nila ngunit sa huli ay tinanggap na rin ito ni Kathryn at sinuportahan niya ang kanyang kasintahan.

“Hindi ganoon kadali, isa siyang mahabang proseso, something new sa amin. And parang, out of nowhere, si Kathryn nagtatanong siya kung okay ba ‘to, ready na ba siya. And mahaba siyang usapan, hanggang iyon, ginawa na,” aniya.

Image capture from TWBA’s video

Samantala, ibinahagi rin ni Daniel kung ano ang naging reaksyon niya nang malamang si Alden ang gaganap.

“Siyempre noong binanggit, inisip, anong mangyayari? Paano tatanggapin ito?Gusto nating protektahan si Kathryn din. Pero kailangan mo rin ibigay ang tiwala mo. Kailangan mo rin ibigay sa nakaisip ng pagsasama nila. Ano lang, brainstorm kami ni Kathryn,” wika ng Kapamilya actor.

“Para sa pelikula, na-meet ko siya noong bumisita ako noong last day ni Kathryn. Hinatid ko siya (Kathryn) and naroon siya (Alden). Nag-hello lang din. Nag-hello and goodbye. Ganoon lang,” natatawang biro niya.

Source :

YouTube

Loading…