Gising na anak, nagbabadyang istorbohin ang ina na mahimbing ang pagkakatulog

Imahe via BUHAY MAG ASAWA | Facebook
  • Kailangang matulog ang isang ina upang mapawi ang kanyang pagod sa pag-aalaga ng anak
  • Tampok sa Facebook page na Buhay Mag-asawa ang meme ng anak  na nagbabadyang istorbohin ang natutulog niyang nanay
  • Ang realidad na ito na may halong komedya ay kinagiliwan ng mga netizens

Ang pagiging ina na yata ang pinakamahirap na trabaho.  Pagkasilang pa lang ng sanggol, nariyan na ang halos di maawat na pag-aasiskaso sa  anak.

Imahe via Pixabay

Sinisiguro ng nanay na hindi nagugutom ang anak at natutugunan ang iba pang pangunahing pangangailangan nito.  Kung puwede lang babantayan niya ito ng 24 na oras isang araw para hindi madapuan ng lamok ay gagawin niya.

Kaya naman ang resulta ay pagod.  Oo, pagod na pagod si nanay at mapapawi lamang ito kapag siya ay mahimbing na nakatulog.  Para sa iba, pinakamainam na sabayan din sa pagtulog ang sanggol upang makabawi.

Subalit sino ba ang mas nauunang gumigising?  Itinampok sa Facebook page na Buhay May-asawa ang realidad ng isang pagod na nanay na nakanganga pa sa pagtulog at ang kanyang anak na nagbabadyang umiyak upang istorbohin ang ina.

“Uy, ang himbing ng tulog ni Mama. Iyakan ko nga para magising.”   Mapatatawa ka talaga sa linyang ito na may kasama pang mukha ng anak na tila nanunubok sa kanyang ina.

Imahe via BUHAY MAG ASAWA | Facebook

Marami sa mga ina ang nagpahayag ng kahalintulad na karanasan.

“Ahahahha. Buti iiyak lang eh sabay pukpukin ka pa ng bote ng dede nya. Aray ko po.  Ahahahahha“

“Bugoy man ka baby. Pagod si mama.”

“Hirap talaga ang maging ina.  Kahit antok na antok ka na, piipilitin mo pa ring dumilat maalagaan lang ang anak.”

Magigising man si nanay dahil sa iyak ng anak, hindi ito magrereklamo.  Dahil alam niyang nangangailangan na ito ng pag-aaruga niya.

Kaya kayong mga anak mahalin ninyo ang mga magulang ninyo.  Ayusin ang pag-aaral. Maghanap ng trabaho at magkaroon ng mabuting pamilya dahil ang mga ito ang  siyang tanging hangad ng isang magulang para sa kanyang mga anak.

Source :

Facebook

Loading…