‘Kabundukan, sariwang gatas, dayami’: Grown-up batang 90s, sinariwa ang cartoon series na Heidi

Image via IMDb
  • Isa ang paslit na si Heidi sa mga karakter sa Tagalized animated series na minahal ng mga 90s kid
  • Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa kanilang isipan ang mga masasayang sandali ng bibong bata sa kabundukan ng Alps sa piling ng kanyang lolo at mga kaibigan
  • Sa post ng isa sa mga miyembro ng Facebook group na We are 90’s (Kami ang Batang 90’s), binalikan ng marami ang mga dahilan kung bakit minahal nila si Heidi

Sino nga ba ang makalilimot sa cartoon character na si Heidi at sa klase ng kabataang pinangarap noon ng maraming batang 90s?

Image capture from Facebook

Hindi maitatangging isa si Heidi sa mga karakter sa Tagalized animated series na talagang minahal ng mga bata noon; mula sa theme song, hanggang sa kanyang mga ginagawa sa kabundukan, at maging ang mga kaibigan at alaga niya.

Sa katunayan, hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa kanilang isipan ang mga masasayang sandali ng bibong bata sa Alps; sa piling ng kanyang lolo at mga kaibigan, ang iniinom niyang sariwang gatas, ang mga simpleng pagkain na para bang ang sarap-sarap habang pinanonood siyang kumain, ang mga dayami, at iba pang mga bagay na nagbibigay ng kulay sa kanyang pang-araw-araw na buhay.

Sa post ng isa sa mga miyembro ng Facebook group na We are 90’s (Kami ang Batang 90’s) na si Ally Tuzon Gerodias, binalikan ng marami ang mga dahilan kung bakit minahal nila si Heidi.

“Nalungkot ako riyan. Bago kasi kami tumira sa siyudad, sa bukid muna kami. At ‘yong pakiramdam ng wala kang maraming kalaro. Puro hayop lang. Sobrang relate ako,” wika ni Ana Mafi Fulus

Image capture from Facebook

“Aaawwwww, favorite namin ng family ko ‘yan…. Sobrang nostalgic hehe,” wika ni Erjay Nepomuceno.

“‘Yong lugar nila ang gusto kong mapuntahan noon, ang kabunduhan,” sabi naman ni Aquino MarLet.

Kung naabutan mo ito, talagang mas makaka–relate ka sa mga sentimyento ng marami.

Source :

Facebook

Loading…