Kambal, nag-ipon nang ilang buwan upang makapamigay ng regalo noong Pasko

Imahe via Twixy Anne Vlog | Youtube at Twixy Hershey | Facebook
  • Kahit na may sarili nang pamilya at anak, naglalaan ang kambal na sina Twixy Hershey at Anne Velasquez Castro ng budget para sa ipang-aaginaldo sa ibang mga bata
  • Namahagi sila ng tsinelas at piggy bank noong December 24
  • Mayroon ding pamasko para sa mg nagtatrabaho sa kamilang bahay

May mga taong mas masaya sa pagbibigay kaysa pagtanggap ng regalo; ‘di bale nang magtitpid sila makapaglaan lamang para sa iba.

Imahe mula sa video ni Twixy Anne Vlog | YouTube

‘Yan ang magandang hangarin ng kambal na sina Twixy Hershey at Anne Velasquez Castro. Sa Facebook at YouTube kinuwento ni Twixy ang pamimigay nila ng sari-saring regalo noong Pasko. Noong December 22, ipinakita niya sa kanyang Twixy Anne Vlog YouTube channel ang mga hinanda nilang piggy bank ng kambal niya na ipapamahagi sa mga bata.

Sa kasunod na video noong December 23, mga tsinelas naman para sa mga bata ang kanilang binili. Ayon sa kanya, “Hindi muna kami namasyal. Lumabas para makabili kami ni kambal ko ng tsinelas. Sana maging thousands of tsinelas ito. Dalawa lang kami ng kapatid ko. ‘Yong ate ko nagdonate 20 PCS tsinelas.” Sadyang mababait ang magkakapatid,

Ilang buwan rin daw nila itong pinag-ipunan. Sabi pa ni Twixy, “Naranasan din namin ng kambal ko magpaa at walang tsinelas.” At talaga namang pinili ang disenyong magugustuhan ng mga bata dahil ito ay may larawan nina Dora at Ben 10.

Layunin nilang mas dumami pa ang mga maiipon nilang tsinelas para makapag-ikot sa Pilipinas at mabigyan ang lahat ng batang nangangailangan nito. Hinihikayat rin ni Twixy na sumali ang iba sa kanilang programa.

Imahe via Twixy Hershey | Facebook

Noong December 24, para naman sa mga nagtatrabaho sa kanilang bahay ang pinaghandaan ni Twixy. Habang bumabati ng “Merry Christmas” sa kanyang mga tagapanood sa YouTube, ipinakita niya ang sampung pasta packs na ibibigay nila pagdating ng hating gabi. Ang susuwerte naman ng mga kasama nila sa bahay. Kumpleto na ang mga ingredients ng spaghetti dahil may kasama pa itong corned beef!

“Nagdecide kami na hindi na maghahanda. So kung maghahanda kami mamayang gabi is spaghetti lang,” pagbubunyag ni Twixy.

Imahe mula sa video ni Twixy Anne Vlog | YouTube

Kahanga-hanga ang pagiging mapagbigay ng kambal. Sana’y mas marami pa ang mabibiyayaan ng kanilang kabutihang loob.

Loading…