Liham ni mister para kay misis, nakatutuwa: “Magshopping ka! See you tonight”

Imahe via @Pagka Toytoy | Facebook
  • Isang liham ng mister para sa kanyang misis ang inupload sa Pagka Toytoy Facebook Page at pinag-usapan sa internet
  • Ang liham ay tungkol sa pagbibigay ng mister ng suweldo at pag-hihikayat sa kanyang asawa na mag-shopping
  • Maraming humanga, nangarap at natawa matapos itong mabasa ng netizens

Ano ang maaaring makapagpapasaya sa isang asawang nag-aalaga ng anak at bumabanat sa gawaing bahay?  

Imahe via @Pagka Toytoy | Facebook

Pinag-usapan sa Facebook page na Pagka Toytoy isang larawan ng sulat kamay na liham ng mister na may kasamang limang libong piso.  

Ayon kay mister, “Pasensiya na P5k lang ‘yan.”  Dinaan nito sa sulat ang pagbibigay ng suweldo sa kanyang asawa.

Subalit nakatutuwa ang mga sumunod na  mga salita, “Bili mo ‘yan ng panty, bra, makeup. [Kung] gusto mong pagkain, ikaw na bahala.  Dagdagan ko na lang uli ‘yan sa next salary ko, ok?”

Mukhang iminumungkahi ni mister na mag-shopping ang kanyang misis. “Magshopping ka.  Alam kong pagod ka sa mga gawaing bahay at sa pag-aalaga ng dalawang anak natin.”

Pa-sweet pa na isiningit nito,” See you tonight! Enjoy shopping!. Love you, mahal!”

Sino bang misis ang hindi kikiligin kung makatatanggap ng sulat na ganito?  Bilang isang babae, kahit na nanay na, may mga pangangailangan pa rin na minsa’y hindi binibigyan ng halaga dahil mas inuuna ang pamilya.

Sobrang naka-relate at nangarap din  ang mga misis na nakabasa nito kung kaya’t sila ang mga nangunang nagpahayag ng reaksyon.

“Bihira sa mga lalaki ang nakaka-appreciate sa mga ginagawa ng mga asawa nila sa araw-araw na gawaing bahay, pag-aalaga ng mga bata at iba pang aasikasuhin. Kaya naman saludo ako sa mga lalaking ganyan na hindi makasarili at may pag-unawa din sa asawa.”

Image via Pixabay

May isa naman na pinagtuunan ng pansin ang “See you tonight” na salita ni mister at para bang maniningil ng kapalit ito.  Lol. “The ‘see you tonight’ part is kinda scary.” 

Ngunit para sa isang lalake, iba ang naging kahulugan nito, “There is a correlation between GENEROSITY and GUILT.  Baka kaya generous si hubby kasi guilty.” Haha. Naku sana hindi naman kuya.

Marami rin ang tinag ang mga mister sa kanilang komento at nagsabing kahit gipit basta’t masaya silang nagkakasama ng buong pamilya ay kontento na sila rito.

Hindi napangalanan ang may-ari at para kanino ang liham ngunit totoo man ito o hindi, nagtuturo ito ng pagmamahal at pagpapahalaga sa mga ginang ng tahanan na tiyak na magpapasaya rito.

Sana all!

Source :

Facebook

Loading…