Memory lane: Kinatakutan mo rin ba noon ang mga sinaunang aparador na may salamin?

Image via Batang Pinoy - Ngayon at Noon. | Facebook
  • Hindi na bago sa atin na makarinig ng hinaing mula sa mga batang natatakot sa mga sinaunang aparador na mayroong nakakabit na malaking salamin
  • Pakiramdam nila ay may lalabas na multo o kung anong masamang elemento mula rito — o ‘di kaya’y may makikita silang imahe sa salamin — dahil sa mga kuwento at sa mga napapanood nila
  • Sa isang Facebook post, binalikan ng maraming netizens ang mga panahong kinatakutan nila ito

Natakot ka rin ba noon sa sinaunang aparador na mayroong nakakabit na malaking salamin?

Image capture from Facebook

Hindi na bago sa atin na makarinig ng hinaing mula sa mga batang natatakot sa mga sinaunang aparador na mayroong nakakabit na malaking salamin. Bukod sa luma ang hitsura nito, pakiramdam nila ay may lalabas na multo o kung anong masamang elemento rito — o ‘di kaya’y may makikita silang nakapanghihilakbot na imahe sa salamin — dahil din sa mga kuwento at sa mga napanonood nila.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon., binalikan ng maraming social media user ang panahon kung kailan kinatakutan nila ang aparador na ito.

“Ito talaga ‘yong aparador ni Lola dati na sobrang takot na takot ako ‘pag bubuksan, tapos ‘yong tunog n’ya pang multo talaga,” wika ng Facebook user na si Lhem Osomreh.

“Mayroon ganiyan lolo ko. ‘Pag gabi na, pinapatingin namin sa mama namin kasi parang laging may multo kagaya sa Magandang Gabi Bayan. Hahahaha! Nai-imagine din. Kaya walang nagsusuklay ‘pag gabi na sa harap ng salamin. Haha! Baka lumitaw ‘yong multo,” ani Jennifer T. Lundang.

Image capture from Facebook

Ikaw, minsan mo rin ba itong kinatakutan? O hanggang ngayon ba ay kinikilabutan ka pa rin dito tuwing gabi at ikaw na lamang ang gising sa inyong tahanan?

Source :

Facebook

Loading…