“Nostalgic pero…” Mga lumang balat ng shampoo, patunay sa ambag ng plastik sa polusyon

Image via Rom Mulong Garidan Cortel
  • Bagama’t nakatutuwang makakita ng mga bagay mula sa nakaraan ay naalarma ang ilang netizen nang makita ang mga nahukay na plastik na balat ng shampoo na may lumang disenyo
  • Makikita sa mga pakete na hindi pa rin nabubulok ang mga ito
  • Ayon sa social media users, patunay lamang ito sa nagiging ambag ng plastik sa polusyon

Sino ang hindi matutuwa na balikan ang mga bagay na nagpapaalala sa atin sa simple ngunit masayang nakaraan?

Image capture from Facebook

Habang tumatanda ka, mas pinahahalagahan mo ang maliliit na bagay na nagpapaalala sa iyo sa mga panahong simple lamang ang lahat; katulad na lamang ng mga pagkain, inumin, sabon, shampoo, at iba pang mga bagay na hindi mo na makikita sa kasalukuyang panahon. Ngunit bagama’t nakatutuwang masilayan ang mga bagay mula sa nakaraan, naalarma ang ilang netizens nang makita ang mga nahukay na balat ng shampoo na may lumang disenyo.

Sa post ni Rom Mulong Garidan Cortel sa Facebook group na ?We are 90’s (Kami ang Batang 90’s), ibinahagi niya ang litrato ng mga lumang pakete ng shampoo na nahukay niya kamakailan; ang mga disenyong matagal nang binago ng gumagawa nito at hindi na lumalabas pa sa mga pamilihan.

Saad niya, “Naghukay ako ng lupa sa dati naming basurahan. Ito ang nahukay ko. Hindi pa ako nag-aaral noong huli akong makakita ng mga ganitong pakete.”

Image capture from Facebook

Makikita sa mga pakete na kahit matagal nang nakabaon ang mga ito, kung ibabase sa haba ng panahong lumipas matapos palitan ang mga disenyo nito, ay hindi pa rin nabubulok ang mga lalagyang ito na yari sa plastik. Ayon sa social media users, patunay lamang ito sa nagiging ambag ng plastik sa polusyon at kung paano inilalagay ng mga ito sa alanganin ang kalikasan.

Source :

Facebook

Loading…