Pangontra sa pangongopya na istilo ng guro, kinaaaliwan sa social media

Image via @Irwin Borromeo | Facebook
  • Isang guro sa Bayawan City, Negros Oriental ang nakaisip ng paraan upang maiwasan ng kanyang mga estudyante ang pangongopya
  • Pinasuot  sila ni Irwin Borromeo ng “anti-cheating hats” habang nagsusulit sa Science
  • Lumabas ang pagiging malikhain ng klase niya na siya namang dahilan ng pagiging patok nito sa social media

Ayaw na ayaw ng isang guro ang may nangongopya sa kanyang klase sa panahon ng pagsususlit.  Gusto nito na maging tapat ang bawat estudyante dahil ito ang dapat at kasama ito sa paghubog ng kanilang kinabukasan.

Image via @Irwin Borromeo | Facebook

Kinaaaliwan sa social media ang nakatutuwang paraan na naisipan ni  Irwin Borromeo, isang 29-anyos na titser ng Bayawan City, Negros Oriental. Para  sa kanilang Science exam, pinagdala niya ng mga “anti-cheating hats” ang mga estudyante.  Magbibigay siya ng karagdagang 20 points para sa may pinakamagandang sumbrero.  Dahil dito, ginalingan ng mga mag-aaral ng Grade 10 ang paghanap ng panakip sa mukha.

Kapansin-pansin ang mga sinuot na “anti-cheating hats” ng ilan na hango sa mga paboritong karakter sa video games kagaya ng “Plants vs Zombies” at mga anime heroes.  Ang iba nama’y nagdala ng helmet at bonnet.

Layunin ng titser na maiwasan ang paglingon ng mga mag-aaral sa kanilang katabi tuwing may pagsususlit.  Sa social media niya unang nadiskubre ang mga ganitong paraan ng ibang guro na may hangarin din na mailabas ang pagiging malikhain at mapanatili ang katapatan at pagsisikap sa pag-aaral.

Ayon kay Borromeo, “When I told them na, uy let’s try anti-cheating hats kasi alam ko naman talaga po na hinding-hindi mangyayari na wala talagang cheating na mangyayari dun pag-exams. So, just for, yung dual purpose namin just to have fun sa section ko tapos yun just to, hopefully it will help talaga na mag-prevent sa cheating nila, so I tried it out.”

Image via @Irwin Borromeo | Facebook

Sa anim na taon niyang pagtuturo ay nakasanayan na diumano ng karamihan ang pangongopya kaya nais niyang maituwid ang ganitong pag-uugali.

“I hope we change our mind shift, I know mahirap kasi andami pang nangyayari sa educational system sa Philippines but I hope in the future we change the mindset na hindi lang, of course the grades matter, but it will never be a way to measure the capabilities of our students,” dagdag niya.

Bumida ito sa social media nang maipost niya..  Marami ring kapwa guro ang nagpahayag na susubukan nila ang ganitong paraan.

Source :

Facebook

Loading…