Pinoy gold medalist sa javelin throw, nawalan ng bahay dahil sa ipo-ipong dala ni Tisoy

Imahe via @Team Pilipinas SEA Games and Palarong Pambansa Updates | Facebook
  • Dumanas ng pagsubok ang pamilya ni Melvin Calano, isang atleta ng javelin throw bago pa siya sumabak sa SEA Games
  • Parang sinuklian naman ito ng pagkasungkit niya ng gold medal sa SEA Games
  • Pananalig at pagtitiwala sa Diyos ang naging gabay ni Melvin sa lahat ng kanyang pinagdaanan

Isang linggo bago lumaban, nadaanan pa ng bagy0 ang bahay ng Pinoy javelin thrower Melvin Calano.  Kaya labis na lamang ang kanyang kasiyahan nang masungkit niya ang gintong medalya nitong Lunes sa New Clark Athletic Stadium.

Imahe via @Sean Guevara | Facebook

Ayon kay Calano, nawasak ang kanilang bahay  sa Camarines Norte ng isang ipo-ipo na dala ng bagy0ng Tisoy.  Anim na araw na lamang ito bago siya sasabak sa SEA Games 2019.

“Six days before competition nagkabagy0, tapos tumawag ‘yung asawa ko, sabi ‘wala na ‘yung bahay natin’,” pagbubunyag niya.

Kahit gano’n ang nangyari sa bahay nila, nagpasalamat pa rin si Calano dahil ligtas ang kanyang pamilya. “Sabi ko sa kanila, ‘wag kayong panghinaan ng loob kasi God is in control,” sabi nito.

Nagtago ang kanyang pamilya sa bago nilang gawang CR sa labas ng kanilang bahay.   Parang naging paghahanda raw ito ng Diyos sa kanila bago dumating si Tisoy.

Pansamantalang nasa waiting shed na katatayo lamang isang buwan bago ang bagy0 ang kanyang pamilya.

Imahe via @Team Pilipinas SEA Games and Palarong Pambansa Updates | Facebook

Pagbabahagi niya, “Pinrepare rin ni Lord ‘yong waiting shed na ‘yon kasi last month lang din ‘yon ginawa ng barangay council. May tiwala ako sa salita ng Diyos kaya hindi ko pinoproblema.”

‘Di niya rin inaasahan ang kanyang performance sa SEA Games dahil umabot sa 69 meters hanggang 72 meters ang layo ng tapon ng kanyang bato na nagpanalo sa kanya ng gintong medalya. Sa ensayo  raw kasi, mula 62 hanggang 63 meters lang ang naging pinakamalayo niyang inabot.

Si Melvin Calano ay isang bronze medalist noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Samantala, tara na’t silipin ang winning throw ni Calano sa post na ibinahagi ni Sean Guevara via Facebook.  Mabuhay ka, Melvin!

Loading…