Rider na maraming violation, hindi lumingon para hindi matiketan ng nakatagpong traffic enforcer

Imahe via @Sherwin Espiritu Tolentino | Facebook
  • Sa larawan na inupload ni Sherwin sa Facebook, pinagtagpo ang isang rider at traffic enforcer sa may stop light
  • Nakatingin ang enforcer sa rider dahil wala itong suot na helmet at nakatsinelas pa
  • Subalit imbes mainis ang mga netizens, kinagiliwan ito dahil sa reaksyon ng dalawa

Bilang motorista, inaasahan sa atin ang pagsunod sa batas trapiko kasama na ang pagsuot ng mga inirekomendang proteksyon sa katawan.

Imahe via @Sherwin Espiritu Tolentino | Facebook

Dahil kapag hindi natin ‘to ginawa, alam nating puwede tayong hulihin at  pababayarin ng kaukulang halaga. Ngunit tadhana nga naman… pinagtagpo ang isang motorista at isang LTO traffic enforcer sa harap ng traffic light kung saan marami ang nakasaksi sa kanilang  naging reaksyon. Inupload ni Sherwin Espiritu Tolentino ang larawang ito sa Facebook

Ang rider ay hindi nakasuot ng helmet.  Nakatsinelas lang din ito at may suot na medyas na kakulay pa ng kanyang motor.  Samantala, naka-tingin na ang enforcer sa kanya na tila pansin nito ang hindi niya pagsuot ng helmet. Halatang naging mapanuri na ang mga mata  ni manong enforcer. Kaya saktong-sakto ang naging kapsyon ni Sherwin sa kanyang larawan “ Kahit anong mangyari, huwag kang lilingon!” Hahaha.

Imbes na mainis ang mga netizens ay sobrang naaliw ang mga ito.

“Sobrang cute mo dito kuya.  Lab you!” Baka sadyang itinerno ni kuya ang kanyang medyas sa kulay ng kanyang motor.  Ito agad ang isa sa unang napansin ng mga netizens.

“Magkastiff neck ka nang walang oras.”  Ayaw ni kuya lumingon dahil malalagot siya. Nagkukunwari itong hindi niya napansin ang MMDA enforcer.

Imahe via @Sherwin Espiritu Tolentino | Facebook

Sinadya namang lagyan ni Sherwin ng helmet ang mukha ng rider na nagpatawa lalo sa mga netizens.

Ang post na ito ay pumatok at umabot sa 39k reactions at 83K shares!

Samantala, ang hindi pagsusuot ng helmet ay may penalty na P 1,500 at P500 para sa pagsusuot ng tsinelas sa first offense.  Sana matapos ang tagpong iyon ay hindi na naulit ang pagpapabaya ng rider.

Loading…