‘Santa Claus ng Marikina’: Matandang nagpakain sa lalaking nasa labas ng restawran, hinangaan

Images via Nanie Suello | Marikina News/FB
  • Hinangaan ng maraming social media users ang isang matanda na nagpakain ng lalaki na nakita niyang nasa labas lamang ng isang fast food restaurant
  • Sa Facebook group na Marikina News, ibinahagi ng isang miyembro ang mga litrato ng matandang lalaki na nakasabay niya sa Jollibee
  • Tinawag niya itong “living Santa Claus”  – bagay na sinang-ayunan naman ng ibang miyembro

Naantig ang marami sa pagtulong na ginawa ng isang matanda sa lalaking nakita niya sa labas ng fast food restaurant na kinakainan nila ng kanyang mga apo.

Image capture from Facebook

Sa Facebook group na Marikina News, ibinahagi ng isang miyembro ang mga litrato ng matandang lalaki na nakasabay niya sa Jollibee. Namangha raw siya noong umorder ito ng para sa apat pang katao kahit na tatlo lamang talaga ang kasama nito, at pagkatapos ay tinawag ang lalaking nasa labas ng restawran.

“Just want to have an appreciation post for this ‘Man Of The Year’. Hindi siya nag-doubt pakainin iyong manong na nasa labas lang ng Jollibee,” pagbabahagi ng Facebook user na si Nanie Suello. “At first, ‘yong tatlong bata ang kasama niya sa pagpasok sa store and I was shocked na nag-order siya para sa kanilang apat. Then nakita niya si manong sa labas at tinawag para papasukin at pakainin.”

Tinawag niya itong “living Santa Claus” — bagay na sinang-ayunan naman ng ibang miyembro. Tuwang-tuwa sila sa kabutihang-loob ng hindi nakikilalang matanda, at damang-dama raw ang diwa ng Pasko sa ginawa nito.

Samantala, nakita ng apo ng matanda ang post at nag-iwan dito ng kumento. Pagbabahagi niya, ugali raw talaga ng kanyang lolo na mag-abot ng tulong sa mga taong nangangailangan. Aktibo rin daw ito sa pagbibigay ng donasyon sa iba’t ibang charitable institutions.

Image capture from Facebook

Hiling ng social media users, sana ay lalo pang pagpalain ang matanda dahil karapat-dapat lamang ito sa biyaya ng Maykapal.

Source :

Facebook

Loading…