Sino’ng balagoong? Matapos ang handaan, narito na ang mga hugasing walang katapusan

Imahe via Bisayang Buraot | Facebook
  • Katatapos lang ng mga handaan na may katapat na mga hugasin
  • Ito ang larawan na ibinahagi ng Bisayang Buraot Facebook page kung saan mag-isang haharapin ng lalake ang mga hugasin
  • Nagbigay rin ang ilang netizens ng kanilang karanasan sa paghuhugas ng mga plato

Dumaan na ang Noche Buena kaya eto na at tambak ang mga hugasin. Kay sarap kumain pero pagdating sa hugasin, pahirapan. Haha, Kung mayroon kang katulong walang problema ngunit kung wala ay wala ka ring choice kundi harapin ang katotohanan na hindi mo matatakasan.

Imahe via Bisayang Buraot | Facebook

Kung marami kayong magkakapatid, puwedeng magtulungan para matapos na agad at makapagpapahinga na ngunit minsan pagod din ang mga kasama mo at nauna nang nagpahinga sa ’yo. Kaya saktong-sakto talaga sa realidad ang larawan sa Bisayang Buraot Faceook page kung saan mag-isang nakaupo ang isang lalake sa harap ng mga hugasin.

Ayon sa mga netizens ang gano’n karami ay hindi lang daw pagkatapos ng Pasko kundi bago pa man maihain ang mga handa.

“Waah! ‘Yan ang ayaw ko.” Hindi nga ito paboritong  gawaing-bahay ng halos lahat naman.

“Ganyan me before pagpista. Noong bata-bata pa, nakakainis tagal matapos dahil sa dami at maliit ‘yong kamay para maikot agad sa pagsabon ‘yong mga plates. Eh uso pa naman yong mga basagin na old style. Mabigat sa kamay hawakan at lalo na pag nag-iisa. Pero gaganahan pag maraming tubig, dahil parang nilalaro ko lang with water. Minsan may pista rin na may tutulong na relatives.”

Ganyan talaga pag naghuhugas ng mga plato. Mas maganda ang marami kayo. Sabayan ng kaunting chika-chika lang, hindi mo na mamamalayan na patapos na pala.

Mano-mano kasi ang ganitong gawain sa atin dahil sa mga malalaking restaurant lang at hotels ang may electric dishwasher.

Image via Pixabay

Hindi pa tapos ang maraming hugasin dahil may paparating pa na selebrasyon sa Bagong Taon. Maaaring gumamit ng mga disposable paper plates, kutsara at tinidor ngunit dagdag naman ito sa ating basura na kasalukuyang kinakaharap natin na problema lalo na ang mga plastik.

Isipin na lamang natin na kapag maraming hugasin, maraming nabusog at napakain. Cheers!

Source :

Facebook

Loading…