Vico sa mga kawani: Salamat, mahirap, maraming pagsubok ngunit naitawid natin

Image via Vico Sotto | Facebook
  • Pinasalamatan ni Pasig Mayor Vico Sotto ang mga masisipag at dedikadong kawani ng Pasig City sa huling flag-raising ceremony para sa taong ito
  • Aniya, hindi naging madali ang transisyon at maraming naging pagsubok, ngunit naitawid nila nang matagumpay ang huling anim na buwan ng taon ng lungsod
  • Kamakailan ay inihayag ni Sotto na nakatipid ang Pasig City ng lampas P150 million sa unang limang buwan ng panunungkulan niya bilang alkalde

Nagpasalamat si Pasig Mayor Vico Sotto sa mga masisipag at dedikadong kawani ng lungsod.

Image capture from Facebook

Sa huling flag-raising ceremony para sa taong 2019, pinasalamatan ni Sotto ang mga kawani ng lungsod na tumulong sa kanya sa simula pa lamang ng kanyang termino, hanggang sa matapos na ang huling mga buwan ng taon. Aniya, hindi naging madali ang transisyon at maraming naging pagsubok ngunit naitawid nila ito nang matagumpay habang magkakasama at magkakaagapay para sa ikabubuti ng lungsod.

“Sa mga kawani ng ating lokal na pamahalaan, maraming salamat sa huling anim na buwan,” saad niya sa isang post gamit an kanyang official Facebook page. “Mahirap ang ginawa nating transisyon. Maraming pagsubok, ngunit naitawid natin nang matagumpay ito. Hindi para sa isang politiko, kundi para sa malalim na pagbubukas, paglilinis, at pagpapalakas ng paggogobyerno sa Pasig.”

“At marami pa tayong kailangan ayusin. To make things more efficient, we will continue professionalizing our bureaucracy and shifting towards a competency/merit-based approach to HR,” pagpapatuloy niya.

Kamakailan ay inihayag ni Sotto na nakatipid ang Pasig City ng lampas P150 million sa unang limang buwan ng panunungkulan niya bilang alkalde.

Image capture from Facebook

“Hindi madali ang ginagawa nating paglilinis pero sulit ang hirap. Dahil sa dulo, ang ordinaryong mamamayan ang makikinabang. Mas maraming pondo para sa iba’t ibang serbisyo, lalo na sa serbisyong pangkalusugan. Tuloy ang pagbabago!” aniya.

Source :

Facebook, Buzz DF

Loading…