Yorme Isko: Plaza Miranda tinanggal ang libag; Divisoria araw-araw may flushing

  • Ipinatanggal ni Yorme Isko ang libag sa sahig ng Plaza Miranda sa tulong ng Karcher Inc.
  • Dahil dito lumabas ang totoong kulay ng tiles na ikinabigla ng marami
  • Araw-araw ding nagaganap ang flushing sa Divisoria sa tulong ng Manila DRRM Office

Wala na ngang makapipigil pa sa tuluy-tuloy na pagpapaganda ni Yorme Isko ng Maynila.

Imahe via @K.R. DeAsis/MPIO | Facebook

Sino ang mag-aakalang  medyo kayumanggi pala ang totoong kulay ng tiles ng Plaza Miranda?  Ang maitim na sahig na nakikita natin ay resulta pala ng ilang taong libag na napabayaan na lamang na dumikit na parang mantsa at mahirap tanggalin.

Sinisikap  ni Yorme Isko na maibalik ang dating aliwalas ng lugar na ito. Pinaghahandaan na rin ang  parating na Traslacion.  Sa tulong ng Karcher Inc., isang kompanya na gumagamit ng German technology sa kanilang mga produkto, pinalinis ng mayor ang libag gamit ang high pressure cleaners.

Manghang-mangha naman ang imga nanonood  sa makabagong teknolohiya na noon ay sa ibang bansa lamang nakikita.  Nang ibinida ni Yorme ang mga larawan sa kanyang Facebook Page, trending agad ito at pinag-usapan.

“Wow! Akalain mo ‘yon. Kala  sementado lang. Naka tiles pala,  Good job po talaga kayo, Mayor Isko. Sana all,” kumento ni Evelyn Cabanit.

Bago pa man nagbigay ng kanilang serbisyo ang Karcher Inc. sa Plaza Miranda, nauna nang nilinis nito nang libre ang San Agustin Church; ang pinakamatandang simbahan sa Pilipinas.  

Kasama rin ang Divisoria  sa araw-araw na ginagawan ng flushing ng mga tauhan ng Manila DRRM Office.  Layunin nito ang mawala ang putik at masangsang amoy na karaniwan sa isang palengke.  Ito ang kasunod niyang askyon matapos pagbawalan ang mga vendors dahil sa pagsikip ng daan. 

Imahe via @Manila DRRM Office | Facebook

Pahayag ng isang netizen, ‘Dati rati pag sinabi ni nanay samahan siya sa palengke ayokong sumama kasi ang baho baho ng amoy ng palengke at maputik pa, pero ngayon wala ka nang maaamoy na malansa at hindi na maputik kahit umulan dahil nalilinis na ang makakapal na putik. Salamat, mayor, sa iyong malasakit.” ‘Yan ang epekto ng malinis na kapaligiran.  Napapasigla rin nito ang ekonomiya.

Noon pa man, hangad na talaga ni Yorme ang maisaayos at maibalik ang dating ganda ng Maynila.  Sana ay masusuklian natin ito ng kooperasyon sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kalinisan nito.

Loading…