Balik-tanaw: Mga platong may ‘artwork’, kinumpleto ang maraming hapag-kainan noon

Images via Chad Malupit and Citadel Buendicho | Facebook
  • Kabilang sa mga klasik na gamit sa bahay ang mga platong may “artwork” na madalas ay kinokolekta dahil sa dami ng disenyo nito
  • Minsan mga tao ang nakapinta katulad ng prinsipe at prinsesa; minsan naman ay mga pagkain kagaya ng prutas at gulay
  • Sa isang FB post, binalikan ng marami ang kanilang kabataan sa pamamagitan ng mga old school na plato

Kinumpleto ng mga platong may “artwork” ang hapag-kainang Pinoy sa loob ng maraming taon noon.

Image capture from Facebook

Hindi maikakaila na kabilang sa mga klasik na gamit sa bahay ang mga platong may “artwork” na madalas ay kinokolekta dahil sa dami at ganda ng disenyo nito. Minsan mga tao ang nakapinta katulad ng prinsipe at prinsesa; minsan naman ay mga pagkain kagaya ng prutas at gulay.

Sa post ng Facebook page ng Batang Pinoy-Ngayon at Noon, bumalik sa nakaraan ang marami dahil sa mga old school na platong ito.

“Sa amin, medyo may kabuhayan na kapag may ganiyang pinggan ka,” ani Lilia Aspili. “Kung mayro’n man, itatago para sa bisita.”

“Pinakaiingat-ingatan noon ng nanay ko ang ganiyang pinggan,” saad ni Mercie Arellab Soñalob.  “Ewan ko kung may naiiwan pang ganiyan sa bahay namin. Matagal ko nang hindi nauwian. Nakaka-miss talaga iyan. Antigo.”

“My mom’s collection!” pagbabalik-tanaw ni Jackie Salcedo Milca. “Kaya lang ‘di ko maipakita, wala ako sa bahay. Nasa malayo ako.”

“Ay, oo, ‘yong sa Lola Inay ko, ‘yong may prince and princess,” pagbabahagi ni Zaida Aparejado Mina. “Bago pa ako kumain noon, ina-analyze ko muna nang maigi ang picture.”

Kuwento naman ni Manolito Pineda, “Dati marami kaming ganiyan. Kaya lang, mas nauna pang naubos ‘yong ganyan namin kaysa sa ibang gamit. ‘Pag may handaan kasi sa amin, mga bisita namin nag-uuwi ng ulam kasama pati plato tapos wala nang saulian.”

Image capture from Facebook

Sa comments section ay ibinahagi rin ng marami ang litrato ng mga ganitong klase ng pinggan nila na hanggang ngayon ay nakatago pa sa kani-kanilang mga tahanan.

Image capture from Facebook
Source :

Facebook

Loading…