Balik-tanaw sa nakaraan: Naabutan mo ba ang mga klasik na ‘gatangan’?

Images via Ogirdor Leon and Gayoso Vasquez Nakishia | Facebook
  • Madalas gamitin noon sa tuwing nagsasaing ang mga sinauna o klasik na gatangan
  • Sa isang post ng Facebook page ng Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga alaalang kakabit ng maliit na takalang ito
  • Mayroon din mga nakaalala sa mga bilin ng matatanda sa tuwing gagamit nito

Naabutan mo ba ang mga klasik na “gatangan”? Madalas mo bang nakikita na ginagamit ito ng iyong nanay o lola, o ng iba pang matatanda sa inyong bahay sa tuwing oras na para magsaing?

Image capture from Facebook

Sa isang post ng Facebook page ng Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga alaalang kakabit ng maliit na takalang ito. Mayroon din mga nakaalala sa mga bilin ng matatanda sa tuwing gagamit nito.

“May bilin lagi sa amin si nanay noon. Kapag daw maggagatang ng bigas, huwag sasalukin. Gamitin mo iyong kamay mo para punuin ang gatang dahil kapag mismong ‘yong gatang ang isinalok mo, mas marami raw laman iyon kasi nasisiksik,” pag-aalaala ni Fellie Delos Reyes Olan.

“Ako senior citizen na pero gatang pa rin ang gamit,” kuwento ni Lorn Pilar. “Iyan ang ipinamana sa akin ng nanay ko. Hahaha! Wala kasi kaming kayamanan kaya iyan lang ang kanyang naiwan.”

“Gatangan na gawa sa lata iyan, di ba? Mas gusto ko iyan kaysa sa plastik na gatangan ngayon,” pagkukumpara ni Bernard Santos.

Kumento naman ni Ahkmenrha Cunanan, naging sukatan na rin ito kung gaano na ba sila kalakas kumaina. Aniya, “Diyan namin nalalaman kung lumalakas na kami kumain. Hahaha! Kasi sakto lang dapat ‘yong isang gatang para sa aming tatlo nina mama.”

Pagbabahagi pa ng ibang miyembro, may mga gumamit din daw sa kanila noon ng mga lata ng gatas bilang gatangan; mayroon din daw na gawa sa kawayan at may hugis parisukat na gawa sa kahoy naman.

Image capture from Facebook

Ikaw, ano ang naaalala mo sa klasik na gatangan?

Source :

Facebook

Loading…