Maharlika Nation, isang independent tribal nation; sariling perang G Zion ipinamimigay

Imahe kuha mula sa video ni Wizard Boy Femangco via Facebook | Imahe mula Socorro.com | Facebook
  • May isang grupo sa Mindanao na tinatawag na Maharlika Nation
  • Ito ay may sariling estado, bangko at pera na tawag ay G Zion
  • Hindi ito kinikilala ng Bangko Sentral dahil sila lang ang may karapatan na mag-isyu ng currency sa Pilipinas

Itinampok sa Kapuso Mo Jessica Soho ang isang grupo sa MIndanao na may sariling pera at bangko. Ito ay ang Maharlika Nation, isang grupong ayon sa kanila ay isang bansa.

Imahe via Socorro.com | Facebook

Ang G Zion – hango sa Golden Zion – ang tawag sa pera nito. May sariling serial number at may nakasulat na mga salita sa diyalektong suwat Bisaya. Imbes mga bayani o dating pangulo ang naka-imprentang mukha, ito ay mga tribal leaders nila o aborigines. Nagkakahalaga ng P200 ang isang G Zion. May mga denominasyon ito na mula 1 hanggang 100,000 G Zion kung saan sa Philippine Peso ay aabot ito sa Php 20 million.

Kamakailan ay inilabas nila ang video na magbibigay sila ng bilyon-bilyong G Zion sa ibang mga bansa bilang donasyon. Sa pagbukas din ng kanilang bangko na tinatawag na International Bank of Maharlika, namigay rin sila sa kanilang mga miyembro nang libre.  Upang makatanggap nito, kinakailangan lang pumunta sa Bucas Grande, isang isla sa Surigao del Norte.   Ngunit hindi pa ito maaaring magamit dahil naghihintay pa itong kilalanin ng mga pribadong bangko.

Ano nga ba ang Maharlika Nation?

Isa itong tribal nation na napapaloob sa 24 hectares na lupain. Mayroon itong hotel, tribal court, convention center, village at bangko.

Larawan ni Glenly Elorico Spokesperson ng Maharlika Nation | Imahe kuha mula sa video ni Wizard Boy Femangco via Facebook

“This is an independent nation under the universal declaration the right to indigenous people and of course through the law of coordination INFRA Law wherein acted 1997 sa panahon ni Fidel Valdez Ramos. Ang mga lumads, IPs o Maharlikans na ngayon ay may karapatan na magiging independent, ” ayon kay spokesperson Glenly Elorico. Gusto umano nilang kilalanin sila na may sariling estado,

Ayon sa local historian ng bayan ng Socorro, kalahati sa 2,000 miyembro nito ang inobliga na magbayad ng P3,000 na membership fee. Nagbabala ito  sa namumuno na huwag magbigay ng false hopes sa mga tao.

Ang Bangko Sentral na mismo ang may sabi na sila lang ang may karapatan na mag-isyu ng currency sa Pilipinas kaya malabo itong maging legal.

Sabi ng mayor, hindi rin nila inaprubahan ito bilang people’s organization dahil hindi umano sila mga lumad.

Samantala, nakamamangha ang pagiging matatag at organisado ng grupong ito. Kung ano man ang ating binabalak, mas mainam na alamin muna natin ang lahat ng impormasyon bago  ang lahat.

Narito ang episode ng KMJS sa Maharlika Nation:

Loading…