‘Mayroon pa ba nito?’ Ilan sa mga paboritong kendi at bubble gum, binalikan

Image capture from Facebook
  • Kahit na marami nang bago at masasarap na candies at bubble gum ngayon, iba pa rin daw ang lasa ng mga naging paborito noon
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang ilan sa mga paborito ng marami noon na Tarzan, Caramel Candy, at Texas
  • Kasabay ng pagbabalik-tanaw sa pinakapaborito nila ay ang pagtatanong, “Mayroon pa ba nito ngayon?”

“Mahirap pantayan ang lasang nakasanayan,” ito ang madalas nating marinig.

Image capture from Facebook

Totoo naman, hindi ba? Marami mang dumating at kumumpetensya sa mga “classic” at “old school”, hindi pa rin nawawala sa atin ang pananabik na matikman muli ang mga madalas nating kinakain noon. Kumbaga, ang ating mga kinalakihan.

Katulad na lamang sa sweets na nabibili sa mga tindahan, kahit na marami nang bago at masasarap na candies at bubble gum ngayon, marami pa rin ang nagsasabi na iba pa rin ang lasa ng mga naging paborito noon. Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang ilan sa mga paborito ng marami noon na Tarzan, Caramel Candy, at Texas.

“Iba pa rin talaga ang lasa ng mga ito,” saad ng admin ng page na si “Bugoy”.

“Caramel,” kumento ng Facebook user na si Evelyn De Nicolas Grapa. “Ikaw ang paborito ko noong bata pa ako. Alam mo ba ‘yon? Wala na akong nakikita sa grocery rito sa Bulacan.”

“Tarzan and also, Caramel. So yummy! These were my favorite when I was a child,” pagbabahagi ni Baselides Sanoy Onteveros.

Habang ang lahat naman daw ay bumenta noon kay Edwin Estareja. Kuwento niya, “Tarzan, Texas, at Caramel. Bumibili ako marami niyan tapos mamimigay ako sa classmates ko noong elementary student pa ako.”

Image capture from Facebook

Samantala, kasabay ng pagbabalik-tanaw ng iba sa pinakapaborito nila sa tatlo ay ang pagtatanong naman nila, “Mayroon pa ba itong mga ‘to ngayon?”

Source :

Facebook

Loading…