Melai, ibang-iba raw marahil ang naging buhay kung ‘di nanalo sa PBB 10 taon pabalik

Images via ABS-CBN and Melai Cantiveros | YouTube/Instagram
  • Ibang-iba raw siguro ang naging buhay ng comedienne-host na si Melai Cantiveros kung hindi siya nanalo sa Pinoy Big Brother Double Up noong 2010
  • Ibinahagi ni Melai na maaaring ang nakatuluyan niya ay ang kanyang first boyfriend na isang mangingisda
  • Siya naman daw marahil ay isa ngayong housewife

Isa sa mga komedyante at host na minamahal ng kanyang mga kapwa Pilipino ang working mommy na si Melai Cantiveros, na tuloy-tuloy na ang naging showbiz career simula nang manalo sa Pinoy Big Brother Double Up noong 2010.

Image capture from YouTube | ABS-CBN

Ngayong halos isang dekada na ang lumipas matapos tanghaling “Big Winner” noong February 2010 si Melai, batid daw ng comedienne-host na maaaring ibang-iba ang kanyang naging buhay kung hindi siya nagwagi sa reality show.

Sa press conference ng bago niyang endorsement, ibinahagi niya na maaaring nagkatuluyan sila ng kanyang first boyfriend na isang mangingisda, habang siya naman daw marahil ay isang housewife.

“Kasi, na-share ko rin noon, nagkaroon din ako ng love affair, first boyfriend ko. Feeling ko kasi noong time na iyon, siya talaga makakatuluyan ko e,” kuwento ni Melai, ayon sa PEP article na isinulat ni FM Ganal.

“Tapos, kasi siya, nangingisda. So ako, willing na maging housewife, ganoon,” pagpapatuloy niya.

Melason: Isa sa mga paboritong love team sa Bahay ni Kuya

Bukod sa mga mga oportunidad sa kanyang karera, sa “Bahay ni Kuya” rin natagpuan ni Melai ang kanyang true love na si Jason Francisco. Pagbabahagi nila sa isang episode ng The Buzz, pagkatapos daw ng sinalihan nilang edisyon ng tinaguriang “teleserye ng tunay na buhay” ay nauwi na sa totohanan ang love team nila sa loob na Melason.

At lalo pang napatunayan na tunay ang kanilang pagmamahalan pagkatapos nilang maghiwalay at sa huli ay bumalik pa rin sa piling ng isa’t isa.

Image via Melai Cantiveros | Instagram

Balikan ang “Big Night” kung saan tinanghal na “PBB Double Up Big Winner” noong 2010 si Melai:

Pagkalipas ng ilang taon, nagsimula na sina Melai at Jason sa kanilang “road to forever”:

Source :

PEP, YouTube, YouTube

Loading…