Hugot reminder: Paalala ng guro sa kanyang mga estudyante upang hindi mangopya, inihalintulad sa pag-ibig

Imahe via Tom Sawyer | Facebook
  • Isang titser ang naglagay ng pabirong hugot sa pisara upang maiwasang mangopya ang kanyang mga estudyante sa klase
  • Inihalintulad ito sa pag-ibig na diretso lang dapat ang tingin

Iba’t-ibang istilo na ang ginawa ng mga guro upang mapanatili ang katapatan tuwing pagsusulit at hindi matutuksong mangopya ang mga estudyante.

Imahe via Tom Sawyer | Facebook

Karaniwa’y “one seat apart” o set A set B ang ginagawa ng titser.  Mayroon ding pumatok na isang klase na pinagdala ng mga kakaibang sumbrero at nagpatalbugan pa sa pagiging malikhain.

Sa post ng Tom Sawyer Memes, simple lang ang technique na ginamit ni Sir.  Mga linya ng hugot na nakaimprenta sa bond paper ang idinikit ng guro sa pisara.  Dito nakasulat ang mga salitang, “Be honest dahil ang exam parang love. Tama ka na sana pero tumingin ka pa sa iba!’

Sa paalalang may halong biro, makukunsensiya ka talaga kung lilingon ka pa sa katabi mo.   Bukod pa rito, minsan mo na rin bang naranasan na nagdalawang-isip ka at nakakuha ka ng sagot mula sa iba at iyon ang ipinalit mo sa nauna mong sagot?

Ang masakit, tama na sana ‘yung sagot mo, naging mali pa dahil pinalitan mo.  Nakapanghihinayang, ‘di ba?  Kaya diretso lang ang tingin sa papel at maniwala na lang sa sariling kutob.

Narito naman ang opinyon ng mga netizens.

“Haha! Tumingin pa sa iba kasi namali tuloy siya. Haha!”

“Bagay sa’kin to ah. Nangonpya sa’yo tapos mas tama pa sagot ko kaysa sa’yo.  Hahahaha!  Camz Decolin.”

Imahe via Pixabay

May mga nagbigay ng ideyang ito sa kaibigan nila na magiging guro pagdatng ng araw. “Lester de Luna, pag maging teacher ka na iyan ang sabihin mo sa mga students mo ah pag mag-exam.  Hahahaha!”

Marami ang pumansin sa kakaibang pamamaraan ni Sir.  Kaya naman umabot sa 6.5K likes ang post na ito at may 1.2K shares.

Kaya para laging handa tuwing pagsusulit, mag-aral araw-araw at hindi sa tuwing may eksaminasyon lang.  Sa ganitong gawi, mas madali nating magiging kabisado ang leksyon.

Ano sa tingin ninyo? Epektibo ba ang ginawang ito ni Sir?

Source :

Facebook

Loading…