Pusa, kyut na naaktuhang kumakain ng papaya: Nakabubuti o nakasasama?

Imahe via Furr Station | Facebook
  • Isang pusa ang naaktuhan ng isang netizen na takam na takam na kumakain ng prutas ng papaya
  • Base sa impormasyon ng isang website, maaari palang kumain ng papaya ang pusa
  • Nagbigay ng iba’t-ibang reaksyon ang mga netizens sa kyut na larawan ng pusa

May mga putas ka ba na nasa punong kahoy pa lang, may mga kagat na?

Imahe via Furr Station | Facebook

Hindi nakapagtataka ang ganito lalo na sa prutas na matamis at mabango.  Maaaring ito ay gawa ng mga hayop na kumakain ng prutas kagaya ng ibon at paniki.  Subalit sa post na ibinahagi sa HAPPY FARMERS Tanim dito, tanim doon Facebook page, iba ang naabutan na takam na takam na kumakain ng prutas.  Ito ay isang pusa!  Hahaha.  Kumakain pala ng prutas ng papaya ang pusa?  Hindi ba ito bawal o nakasisira ng kanilang tiyan?

Ayon sa Pet Consider puwedeng kumain nito ng katamtaman lang ang pusa.  Hindi kagaya ng grapes at raisins, hindi ito naglalaman ng maaaring makahihilo sa kanila at makasasakit ng tiyan.  Ang mga pusa kasi, medyo maselan ang kanilang tiyan at puwedeng hindi maganda ang idudulot nito kapag labis ang pagkain ng prutas.

May benepisyo ang pagkain nito dahil mataas ito sa dietary fiber.  Ito ay nakatutulong sa madaling pagdumi at mainam din na pampapayat dahil nakabubusog na ito sa mababa lamang na calories.

Namangha ang mga netizens na ngayon lang nalamang puwede pala ang prutas ng papaya sa pusa.  Ang iba nama’y nakukyutan sa larawan na huli sa aktong nakita itong kumakain.  Ito ay  nakatingin pa sa kumuha ng litrato na parang ito pa ang galit.

Imahe via Furr Station | Facebook

“Tuwang- tuwa ako sayo muniiinnnggg!”

“Pampakinis kutis at pampalinaw ng mata ang papaya.  Alam ni Kitty ‘yan.”

Ang akala ng iba’y gutom ang pusa ngunit iba naman ang opinyion ng isang netizen.

“Palagay ko hindi ‘yan nagugutom.  Sadya po na may pusang kumakain ng papaya kasi like na like nila ‘yan.  Base sa obserbasyon ko sa dalawang pusa ko kasi, nag-aaway pa nga sila at nag-aagawan pag binigyan ko sila. Pati balat kinain.  Meyaaawww!  Ang takaw nila.”

May mga taong hindi mahilig kumain ng prutas kagaya ng hinog na papaya dahil may amoy itong hindi gaanong kaaya-aya.   Talo pa pala tayo ng pusa!

Loading…