Saan aabot ang P20 mo? Noong 1960s, may tiket ka na sa PH concert ng The Beatles

Images via The Beatles Philippines | Facebook
  • Sa halagang P20 noong 1960s, makakapanood ka na ng concert ng The Beatles sa Pilipinas
  • Sa Facebook, ibinahagi ng page ng The Beatles Philippines ang litrato ng ticket para sa Philippine concert ng iconic band noong taong 1966
  • Wika ng maraming fans, sana ay P20 lang din ang halaga ng mga concert ngayon sa bansa

“Saan aabot ang P20 mo?” tanong sa series of commercials ng isang brand ng ice cream. Kung tayo ay nasa taong 1966, isa lang namang ticket para sa Philippine concert ng iconic band na The Beatles–teka, The Beatles?

Image capture from Facebook

Oo, ticket nga sa concert ng The Beatles–pero siyempre, iba naman ang value ng pera noon sa mayroon tayo ngayon.

Ngunit paano nga kaya kung sa halagang P20 ay mapapanood mo na ang iyong mga idolo? Paano kung P20 lamang ang halaga ng isang concert ticket sa panahong ito?

Sa larawan ng 1966 The Beatles concert ticket na ibinahagi ng page ng The Beatles Philippines, marami ang nagpahayag ng paghahangad na sana ay P20 lamang ang presyo ng tiket ngayon. May mga humiling din na sana ay mayroon talagang time machine para babalik sila sa panahon na may dalang maraming P20 at doon ay bibili ng concert ticket para mapanood ang mga music legend na hindi na kailanman makikita mula na nagtatanghal nang buo sa isang concert stage.

Samantala, may mga bumalik din tuloy sa panahong iba pa ang halaga ng pera. Kung iisipin, ngayon kasi, minsan ay kulang pa sa isang inumin o sa isang klase ng pagkain ang P20 mo kapag nanood ka ng concert.

“Bago ka pa magkaroon ng P50, two months!” kumento ni Gloria Tulabot.

Biro naman ni Pauline Lorraine Yarte, “Mas mahal pa pamasahe ko papunta ng school, e. Siguro kung mag-time travel ako with only P1000, I’d be considered a millionaire.”

Image capture from Facebook
Source :

Facebook

Loading…