‘Saan umaabot noon ang piso?’ Netizens binalikan ang mga nabibili nila sa ‘old school’ P1 coin

Image via Batang Pinoy-Ngayon at Noon | Facebook
  • Noong mas mura pa ang presyo ng mga bilihin, marami na raw ang nabibili ng piso
  • Sa Facebook, ibinahagi ng page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon ang larawan ng isang lumang P1 coin na kalabaw pa ang disenyo
  • Binalikan ng social media users kung gaano kalayo ang nararating noon ng piso

Tanda mo pa ba kung paano ka pinasasaya noon ng piso? Iyong mga sandali na kapag binigyan ka nito ay matutuwa ka talaga at agad na tatakbo sa tindahang pinakamalapit sa iyo?

Image capture from Facebook

Marami na kasing nabibili ang piso noong mas mura pa ang presyo ng mga bilihin. Depende raw sa diskarte mo: maaari kang bumili ng mga kendi na sentimo lamang ang halaga o hindi kaya biskwit at tsitsirya na piso ang isa, puwede rin piliin mo ang mga murang laruan na nabibili noon na may kasama pang marshmallow o maliliit na kendi. Hindi maikakailang kapag may piso ka noong ay marami ka pang maaaring pagpilian sa tindahan; mga paninda na ang mga presyo ay sakto o mas mura ang halaga kaysa sa piso.

Sa Facebook, ibinahagi ng page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon ang larawan ng isang lumang P1 coin na kalabaw pa ang disenyo. Dito, binalikan ng social media users kung gaano kalayo ang nararating noon ng piso.

“Mamon na tigpipiso. Iyong my pasas sa ibabaw; malasa na, masarap pa,” tugon ng netizen na si Rona Autriz.

“Bazooka at kendi na may singsing. Marami naman noon nabibili ang piso,”pagbabalik-tanaw ni Marisol Mendones.

“Tarzan, esep-esep, marami kang makukuha na mga laruan sa loob hahaha,” wika ni Mil Lirpa Yoj. “Muncher, any kind of candy na naabutan ko pang apat piso. Chicharon, ice candy, ice pop, pop rice, popcorn.”

“Dami, a. Wonderboy, Chosen, Sunshine, Topps, Chocnut, Kirei, Oishi, Pritos Ring, at marami pagpipilian noon, ani Michael Placido.

Image capture from Facebook

Ikaw, hanggang saan umaabot ang piso mo noon?

Source :

Facebook

Loading…