‘Scents of getting old’: Mga pamahid na pumapalit sa mga pabango na dating ginagamit

Imahe via Magsasaka Mabuhay Ka | Facebook at Canva
  • Kapag tumatanda na, madali nang sumakit ang mga kasukasuan dahil sa pagtatrabaho
  • Ibinahagi sa social media ng Magsasaka Mabuhay Ka ang karaniwang mga panghaplos na ginagamit ngayon
  • Dagsa rin ang kumento ng mga netizens ng mga ginagamit nilang liniment

Pagdating ng edad 30 pataas, marami ang mga pagbabagong nagaganap sa ating katawan. Mga signs of getting old na ba?

Imahe via Magsasaka Mabuhay Ka | Facebook

Nariyan ang madaling mapagod at sumakit ang mga kasukasuan. Minsan naman, napapasukan ng hangin ang tiyan at nagkakaroon ng kabag. Kaya para sa mga madalas bumiyahe at mabigat ang trabaho, sinisiguro nilang may baon na panghaplas sa katawan upang mapawi agad ang sakit ng kalamnan at mabilis makabawi lalo na ang mga nakakaedad na.

Sa larawang inupload ng Magsasaka Mabuhay Ka sa Facebook, matutunghayan ang ilan lamang sa mga sikat na liniment sa merkado. Ang mga ito ay may natatanging bango na kinaiinisan mo noong bata ka pa lalo na’t kapag ito ay maamoy mo sa mga pampublikong lugar ngunit ngayong kadalasang kasama mo na ito, kinasanayan mo na rin ang matapang nitong amoy. Hahaha.

Sa katunayan, nakatutulong pa nga ang maanghang nitong amoy sa pagpapabuti ng pakiramdam. Kaya sa larawan, binansagan pa “pabango mo na ngayon”.

Siyempre, hindi nagpahuli ang mga netizens at inilabas nila ang mga larawan ng kanilang mga ‘scents of aging.’

“Sa akin nilipat ko sa malaking lagayan tapos nilagyan ko pa ng kahoy-kahoy,” Ayon sa paniniwala ng iba mas nagiging epektibo ito kapag nilalagyan ng mga sanga ng mga halaman tulad ng Ginseng.

“Noong bata pa ako, ang laman ng bag ko, bulbos at lipstick.  Ngayon ‘yang mga gamot na.”

Imahe via Maybe Arellano | Facebook

“Ito na talaga pag bago ka matutulog.  Masarap pakiramdam pag my anghang sa katawan.”  Ang iba nama’y ginagawa na itong habit kada gabi para mahimbing ang pagtulog.  Kamusta naman ang katabi natin diyan?

Kaya ingat tayo palagi at huwag sosobrahan ang pagtatrabaho para hindi sasakit ang katawan.  Mabuti na lang may mga panghaplos tayo na nagbibigay ng kaagarang lunas.

Alin sa mga ito ang paborito ninyong gamitin? Baka nais ninyo namang ibahagi sa amin.

Source :

Facebook

Loading…