Sino’ng boss? Kapag may bata kayong kasama sa panonood ng TV, alam na

Imahe via Mika Espanola Macalinao, ChuChu TV, Cocomelon TV | Facebook
  • Pag may kasamang bata sa panonood ng telebisyon kadalasan ay nag-aadjust tayo sa mga gusto nilang palabas
  • ‘Yan ang eksenang nakunan ni Mika Espanola Macalinao at ibinahagi sa Facebook
  • Pinamalas din ng mga netizens ang kanilang kahalintulad na mga karanasan at larawan
Imahe via Mika Espanola Macalinao | Facebook

May apo ka ba? Anak? O pamangkin na kasamang nanonood ng TV sa bahay? Malamang isa ka sa makaka-relate rito. Lahat tayo may mga paboritong palabas sa telebisyon; mapadrama, aksyon o balita man ito. Ngunit nababago ang mundo natin tuwing may kasama tayong bata sa bahay. Tila mapapakunot-noo ka na lang. Hahaha.

Malamang hindi na bago sa inyo ang larawang ibinahagi ni Mika Espanola Macalinao sa Facebook. May kapsyon pa itong, “Aminin ninyo, tuwang tuwa kayo sa pinapanood ninyo. Hahaha”

Tatlong may edad nang lalake ang kasamang nanonood ng batang babae sa sala. Dala-dala pa ni baby ang kanyang bote ng gatas habang nakaupo sa sahig. Ang mga lalake nama’y nakatutok na rin na pinapanood ang animated series ni Mr. Bean. May choice ba sila? Wala! Hahaha

Kapag may batang kasama sa panonood ng telebisyon ay tila mapagbigay tayo at nag-aadjust sa kanilang mga hilig. Mahirap makipagtalo sa isang bata. Kapag iiyak ito, mas mahirap magpatahan kaya’t kung minsan ay hinahayaan na lamang natin silang manood ng kanilang mga paboritong palabas. Ang resulta, name-memorize na natin ang mga kanta nila o ‘di kaya’y ang mga eksena ng mga palabas.

Relate dito ang isang netizen. “Ganyan din dito samin. Cocomelon, Dave & AvA, Chu chu Tv.. Hayssst… Ang masaklap “Wheels on the Bus” lang gusto ng pamangkin ko.. Hndi na sila nakakapanood ng Showtime at balita.”

Imahe via Alvin Nava at Eds Ocbina Naga | Facebook

“Buong bakasyon ko napurga ako sa peppa pig, wonder pets, Spongebob, Shimmer and Shine.”

Iba rin yata pag apo na ang may gusto. “Parang Tatay ko. Siya nag-aadjust sa anak ko dahil wala siyang choice kaysa kukulitin daw siya. Haha. Saka mautak din kasi ‘yon kasi tinatago ang remote sa lolo niya. Pero kami dati ‘di puwedeng umangal dahil gusto niya Basketball, Boxing o Wrestling. Iba ang Power ng apo.”

Minsan lang sila maging bata kaya samanatalahin na natin ang mga pagkakataong makasama natin sila… lalo na sa panonood ng TV. LOL

Loading…