Stationery: Mga espesyal na papel na nagpakilig, nagpasaya, at nagpaluha sa napakarami

Image capture from Facebook
  • Usong-uso noon sa mga young adult ang pangongolekta ng stationery; mga espesyal na papel na ginagamit lamang para sa mga espesyal na tao
  • Iba’t iba ang naging laman ng mga liham dito: kilig, tuwa, lungkot, rejections, at iba pang mga emosyon
  • Sa Facebook group na Memories of Old Manila, binalikan ng marami ang mga sandali ng stationery

Isa ka rin ba sa mga nahilig sa stationery noon? Bumibili ka rin ba nito kahit na wala ka namang susulatan at itinatabi para magamit kung kailan mo kailangan o kung kailan mayroon ka nang pagbibigyan ng liham?

Image capture from Facebook

Hindi maikakaila na usong-uso noon sa mga young adult ang pangongolekta ng stationery; ang mga espesyal na papel na ginagamit lamang para sa mga espesyal na tao. Iba’t iba ang naging laman ng mga liham na isinulat sa mga ito: kilig, tuwa, lungkot, rejections, at iba pang mga emosyon. Paano ay parang naging pambansang papel na ito ng mga kabataan noon!

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, binalikan ng marami ang mga sandali noong sobrang popular pa ang stationery.

“Minsan ka nang pinakilig ng mga papel na ito,” saad ng nag-post na si Carlos Dave. “Pero ‘yong sa akin, nilukot ng crush ko dahil hindi raw mabango. Kaway-kaway po sa mga pinakilig!”

“Yes!” kumento ng isa sa mga miyembro na si Helen Lualhati. “Ang babango pa ng stationery. ‘Pag crush, itinatago. ‘Pag hindi, shoot sa basurahan. Hahaha!”

Ayet D Adriano Riyadh memory pang tangal ng homesick..penpal yn ang gmit q hahaha mabango yn

“Tagagawa ako ng love letters ng mga kaibigan ko,” pagbabahagi ni Illiac Habibear. “Daming napasagot, ta’s ako 44 na single pa rin.”

Kuwento naman ni Christopher Antonio, “Isa na ako riyan at naging tagagawa rin ako ng love letter ng kaibigan ko kasi hindi siya marunong manligaw. Okay naman, nagkatuluyan naman sila. At bandang huli, nalaman din ng kumare ko na ako ang gumagawa ng mga love letter ng kumpare ko hahahaha! Ngayon, may tatlo na silang anak.”

Image via Pixabay

May mga nagbahagi rin na bumibili sila ng mga ito noon ngunit hindi nila ginamit kailanman dahil ginawa na nila itong koleksyon at hanggang ngayon nakatago pa rin sa pinaglalagyan nito.

Source :

Facebook

Loading…