#TALAbaw dance cover with Dhodong: Amo ayaw paawat sa kanyang kalabaw

Imahe kuha mula sa video ni Ronald Ancero Casil via Facebook
  • Isang lalake ang sumubok na sumayaw ng Tala sa kabukiran subalit napapatakbo ito dahil sa nanunungay na kalabaw
  • Paulit-ulit na bumalik ang lalake subalit hindi siya nagtagumpay
  • Tampok ito sa isang videong pinag-usapan at nagpatawa ng marami

Muling nagbabalik sa kasikatan ang kantang “Tala” ni Sarah Genronimo dahil sa pagkakaroon nito ng maraming dance covers.  Mapa-ordinaryong mamamayan man o artista, gumawa ng dance videos na siya namang pinagkaguluhan sa social media. Subalit ang isang ito na yata ang pinakanaiiba sa lahat.

Imahe kuha mula sa video ni Ronald Ancero Casil via Facebook

Pinag-uusapan ngayon ang video ni Ronald Ancero Casil kung saan ilang beses niyang sinubukang sumayaw ng “Tala”  at i-record ito ngunit palaging napapatakbo ito dahil hinahabol siya ng kalabaw ng kanyang tiyuhin. Ang kalabaw na may pangalang Dhodong ang siyang binabantayan nito sa  Guinacot, Guindulman, Bohol.

Ang  eksena’y para lang may naghahabulan na isang amo at kanyang alaga sa kabukiran. Hahaha.  Kaya naman hindi mo mapipigilan na mapatawa habang pinapanood ang video na ito sa social media.

Hindi naman napa’no si  Ronald ngunit ayaw na raw nito ulitin ang kanyang ginawa.

Kumento ng isang netizen, “Nagsawa na raw ang kalabaw sa kantang Tala. Hahaha.”

“Ang lawak lawak ng bundok doon pa talaga sa may kalabaw sumayaw. Sadya!”

Imahe kuha mula sa video ni Ronald Ancero Casil via Facebook

Mayroon namang nagsabi na nanghahamon sa kalabaw ang kanyang galaw. “When you do stomping, you are challenging the buffalo. It’s a challenge to a bovine creature.”

“Hahaha. Grabeng tawa ng asawa ko kahit ‘di niya naintindihan. Natawa siya sa kalabaw. ” Ang hayop talaga ang nagdala ng komedya sa eksenang ito.

Ang video niyang ito sa Facebook ay mayroon ng 85k reactions, 7.5k comments, 94k shares at 2.1M views.

Samantala, unang kinanta ni Sarah Geronimo ang Tala noon pang 2015. Pumatok ito sa mga fans at nakatanggap pa ng pagkilala. Muli itong sumikat nang sayawin ng mga volleyball players bilang protesta sa isang Aling Nena. Ngayon isa na itong national dance craze.

Panoorin ang nakakagood vibes na sayaw ni Ronald at ng kanyang alaga.

Loading…