Kahanga-hanga: 3-anyos na bata, nanguna sa pagrorosaryo sa Birhen sa Barangay

Imahe kuha mula sa video ni Mary Joyce Q. Montalban via Facebook
  • Isang bata mula Cebu ang hinangaan ng mga netizens dahil sa pangunguna niya sa pagdadasal
  • Siya si Airek at tatlong taong gulang pa lamang ngunit saulo na niya ang pagrorosaryo
  • Humanga rin ang mga netizens sa mga magulang ni Airek dahil sa pagturo sa bata ng pagdadasal

Importante ang dasal dahil tinutulungan nitong palakasin ang ating spiritualidad at koneksyon sa Panginoon. Walang pinipiling edad kung kailan tayo dapat matuto nito.  Ngunit mas maganda kung bata pa lang tayo, natuturuan na tayo sa kahalagahan nito.

Imahe kuha mula sa video ni Mary Joyce Q. Montalban via Facebook

Karamihan sa mga pagdadasal ay pinangungunahan ng mga matatanda.  Ngunit nakakita ka na ba ng  batang maliit na siyang nanguna sa pagdarasal ng rosaryo?

‘Yan ang tampok sa sikat na video ngayon sa social media.

Sa post ni Mary Joyce Q. Montalban, makikita ang pamangkin niyang  lalaki na nakaluhod sa altar at may hawak na rosaryo.  Siya si Airek Marquez ng Cebu, tatlong taong gulang pa lamang at siya na ang namuno sa pagdarasal sa Birhen sa  Barangay.

Hinangaan ng mga netizens si Airek dahil sa murang edad niya, nasaulo na niya ang pagdarasal ng rosaryo.  At hindi lang ‘yan.  Sa tingin ng mga netizens, malaki ang papel na ginampanan ng mga magulang niya para siya ay matuto.  Ang mga ganitong bagay kasi, sa mga magulang natin unang natututunan.

Narito ang ilang kumento ng mga nakakita ng video ni Airek.

“Very good boy! Mabebless ka ng Glory ni God at makakasama mo si God hanggang paglaki basta huwag kang maliko ng daan. Mabubuhusan ka ng super amazing na blessing, happiness at peace.”

Imahe kuha mula sa video ni Mary Joyce Q. Montalban via Facebook

“Wow!  Ang galing naman ng bata. Magaling din ang nagturo, matiyaga sa bata.”

15K reactions ang nagpatunay na nakaka-good vibes ang video na ito. 26K naman ang naniniwalang maganda itong ibahagi sa iba.

Hindi lamang sa pagdarasal si Airek magaling. Sa isa niya pang video, napatunayan niyang isa rin siyang batang bibo na handang magpakita ng talento sa pagsasayaw. Nasisiguro naming ipinagmamalaki ka ng mga magulang mo at tuwang-tuwa sila sa pinapakita mong pagpapahalaga sa dasal.  Sana’y maipagpatuloy mo iyan hanggang sa paglaki.

Narito ang video ni Airek.

Source :

Facebook

Loading…