‘3 minutes late!’ Mikael, nag-sorry matapos mahuli ang birthday greeting kay Megan; kinaaliwan online

Images via Mikael Daez | Instagram
  • Humingi ng tawad si Mikael Daez sa kanyang misis na si Megan Young nang hindi niya ito mabati kaagad sa birthday nito
  • Sa isang Instagram video, natatawang inamin ni Miss World 2013 na sinubukan niyang magparinig dahil tatlong minuto nang late ang bati ng kanyang asawa
  • Kinaaliwan ng maraming social media users ang mag-asawa

Ito ang unang kaarawan ng actress-beauty queen na si Miss World 2013 Megan Young bilang misis ni Kapuso actor Mikael Daez–kaso, na-late ang birthday greeting nito sa kanya.

Image capture from Instagram

Sa Instagram, kinaaliwan ng marami ang post ni Mikael para sa kaarawan ng asawa. Ibinahagi niya kasi ang isang video kung saan natatawang inamin ni Megan na sinubukan niyang magparinig dahil tatlong minuto nang late ang bati ng kabiyak.

“What did you just try to do?” tanong ni Mikael.

Nahihiya na natatawa namang tumugon si Megan habang tinatakpan pa ang kanyang mukha, “Nagparinig na it’s my birthday.” Tawang-tawa naman ang aktor habang inaamin na, “I was three minutes late!”

Sa caption ng video, humingi ng tawad si Mikael sa kanyang misis at nangakong hindi na ito mauulit sa susunod na taon.

“Happy birthday, Boneezy! Pasensya na po talaga at late ang greeting ko by THREE WHOLE MINUTES! Hirap talaga ng buhay ko, napaka-demanding ni jowa-bels…ay, wait, asawa-bels na pala. Labyu! Next year, sisikapin ko na two minutes late na lang,” wika ng aktor na naglagay pa ng hashtag na #AnyImprovementIsSTILLimprovement.

Kinaaliwan ng social media users ang “moment” na ito ng celebrity couple. As of posting, nakakuha na ng lampas 31,000 likes ang post ni Mikael at mayroon nang mahigit 178,000 views ang nakakatawang video nila.

Pinagtawanan at inasar naman si Megan ng kanyang kapatid na si Lauren Young sa comments section.

Image capture from Instagram

Maligayang kaarawan sa ating Miss World 2013 na si Megan Young!

Source :

Instagram

Loading…