Balik-tanaw: Mga exhibition sa bisikleta, nagagawa mo rin ba noong bata ka?

Image via Batang Pinoy-Ngayon at Noon | Facebook
  • Isa ang bisikleta sa mga sasakyan – o laruan – na naging malaking bahagi ng kabataan ng maraming Pilipino
  • Bukod sa sinasakyan at ginagamit papunta kung saan-saan, sikat na sikat din noon sa mga bata ang pag-aaral ng mga exhibition gamit ito
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang panahon ng bisikleta

Noong panahong hindi pa uso ang mga digital game at mobile apps, mas madalas sa labas ng bahay ang mga batang Pinoy at nakatutok sa mga pisikal na laro o libangan–katulad na lamang ng pagbibisikleta.

Image capture from Facebook

Isa ang bisikleta sa mga sasakyan –o laruan– na naging malaking bahagi ng kabataan ng maraming Pilipino. Bukod sa sinasakyan at ginagamit upang makapunta kung saan-saan nang hindi napapagod o nababagot sa paglalakad, sikat na sikat din noon ang pag-aaral ng mga exhibition gamit ito; mas kakaiba ang iyong ginawa o mas marami ang iyong ipinakita, mas hahangaan ka ng mga kapwa mo bata.

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang panahon ng bisikleta.

“Kayang-kaya noong bata pa, 1981 noong una ako nagkaroon ng bisikleta, regalo ni Padir,” pagbabahagi ng Facebook user na si Leonardo Ariñez, Jr. “Laging gala, laging nasa parampahan, kaya madalas ‘pag umuwi, kung hindi tuklap ang balat sa tuhod e minsan sa siko. Hindi pa uso noon kasi ang mga knee pad at elbow pad. Minsan kasama na mukha sa pagkangudngod kapag wala sa tiyempo ang landing. Memories na lang ngayon.”

“Yakang-yaka (kayang-kaya) ko iyan,” sabi ni Bernie Porte na ang tinutukoy ay ang exhibition na ginagawa sa litratong ini-upload ng page. “Dalawang gulong pa nga pinapaangat ko noon sa ere. ‘Tsaka marunong din ako sa unicycle.

“Noong elementary pa ako, akyat-baba sa stage,” kuwento naman ni Eyek Breyones Coyena.

Image capture from Facebook
Source :

Facebook

Loading…