Bunga ng langka, nasobrahan sa alaga?

Imahe via Magsasaka Mabuhay Ka | Facebook, Imahe via Canva
  • Laman ng ng isang larawan sa social media ang bunga ng langka na pinaligiran ng alambre at kinadena sa puno
  • Ito ay para maiwasang manakaw ng iba
  • Subalit tila naging aral pa ito sa pagiging madamot ng may-ari nang makita ang laman

May punong kahoy ba kayo sa inyong bakuran?  Malamang lagi ninyong inaabangan ang pagbunga nito.  At kapag mayroon naman, hangad  mong hindi ito mawala hanggang sa mahinog na ito sa puno.

Imahe via Magsasaka Mabuhay Ka | Facebook

Karaniwang ibinabalot sa sako ang bunga ng langka upang maproteksyunan ito laban sa amag.  Ito kasi ang nakabubulok ng bunga.  Ngunit sa larawang ibinahagi sa Facebook ng Magsasaka Mabuhay Ka, hindi sako ang makikitang ‘pinambalot’ dito at higit pa sa amag ang kinatatakutan ng may-ari na maaaring sumira rito.

Upang hindi ito madaling nakawin ng iba, pinalibutan ito ng alambre! Oo, paulit-ulit na pinaikot ang alambre sa bunga at kinadena pa ito sa katawan ng puno.  Hahaha.  Ang mas nakakatawa, nang inani na ito at binuksan, isa lang ang naging buto nito. Ibig sabihin, hindi mo ito mapakikinabangang kainin dahil ‘yon lang ang naging laman nito.

Ang kinahantungan na iyon ang pinag-usapan ng mga netizens. Hindi raw kasi tayo dapat maging maramot dahil kapag tayo ay naging mapagbigay, higit pa riyan ang biyaya na ating matatanggap. Tama nga naman.

Imahe via Canva

“Kuha mo? Langka lang ang naging halimabawa.  May ibig sabihin ‘yan.  Kung matulungin ka sa iyong kapwa at mapagbigay, higit pa sa naibigay mo ang babalik sa’yo siksik at umaapaw.”

Saad naman ng isang netizen,  “Sa amin naman nilagyan ng sako para ‘di malapitan ng insekto.  Pero noong aanihin na wala na ‘yong bunga, sako na lang natira na akala mo andoon pa ‘yong bunga.” Ang saklap, ano?

Pag ito ang mangyari sa ‘yong tanim, mapapasang-ayon ka na rin sa ginawa ng may-ari sa bunga.

“Hindi ’ yan pagdadamot. Proteksyon ‘yan sa mga kawatan. Hahaha”

Sa tingin naman namin, masyado yatang napaaga ang pag-ani ng may-ari kaya hindi pa ito nagkalaman. Payo ng ibang netizens, ihalo na lang ito sa gulay dahil masarap daw ito kapag ginataan.

Source :

Facebook

Loading…