‘Disiplina, pakialam, respeto, pakikibahagi’: Marikina mayor, ibinahagi ang mga sikreto ng ‘model city’

Image capture from Facebook
  • Ibinahagi ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang mga sikreto ng “Shoe Capital of the Philippines” na palaging napupuri sa kaayusan nito
  • Aniya, bawat mamamayan ay may “disiplina, pakialam, respeto, at pakikibahagi”
  • Noong 2019, tinawag na “model city” ng Department of the Interior and Local Government ang Marikina 

Hindi maikakaila na madalas mapuri ang lungsod ng Marikina sa kaayusan nito at sa disiplina ng mga Marikeño. Ano nga ba talaga ang mga sikreto ng “Shoe Capital of the Philippines” na ngayon ay itinuturing na ring isang “model city”?

Image capture from Facebook

Sa isang video, ibinahagi ni Marikina Mayor Marcy Teodoro ang ilan sa mga dahilan kung bakit naging tatak na ng Marikina ang pagkakaroon ng mga disiplinadong mamamayan. Bawat isa ay may disiplina, pakialam, respeto, at pakikibahagi, aniya.

“As citizens of Marikina, we wear, like a badge of honor, the recognition of being a model city for sustaining hassle-free and obstruction-free public roads and sidewalks. We implement city ordinances fairly and consistently — may mga pamantayan kaming sinusunod. Disiplina ang naging puhunan para mapanatili ang kalinisan at higit sa lahat, ang kaayusan ng lungsod,” wika ng alkalde sa video na ini-upload sa official Facebook page nito.

“Ngunit katulad po ng lahat ng tagumpay, ito po ay aming pinagsusumikapang maisagawa sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagbabago ng mga gawi at gawa sa mahabang panahon,” pagpapatuloy ng opisyal. “Hanggang sa ang disiplina ay umugat sa aming kultura—kung saan ang bawat isa ay inaasahang may pakialam; may respeto; may bahagi at pakikibahagi. Ito po ang aming kontribusyon o ambag para sa ikabubuti ng ating bansa.”

Sa huli, hinimok ni Teodoro ang lahat na suportahan ang “Disiplina Muna” campaign ng Department of the Interior and Local Government (DILG); ang programa ng ahensya na naglalayong i-promote ang “culture of disipline” sa mga Pilipino at hikayatin ang mga local government unit (LGU) na i-empower ang kani-kanilang komunidad na makiisa sa kampanyang ito.

Image capture from Facebook

‘Model City’

Matatandaang sa launch ng “Disiplina Muna” campaign noong nakaraang taon ay ibinigay ni DILG Secretary Eduardo Año kay Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro ang “Seal of Excellence in Governance” award para sa Marikina City. Dito ay hiningi niya rin ang permiso ni Teodoro na idokumento ang “best practices” ng lungsod para gawin itong modelo sa ibang mga lugar sa bansa.

“Mayor [Marcy] kung papayag ka, ang mga best practices na inyong ginawa ay ido-document namin ito at isha-share namin sa lahat ng mga mayors, governors ng cities, at mga probinsiya at bayan sa buong Pilipinas,” hiling niya.

Positibo naman ang naging tugon dito ng alkalde.

Image capture from Facebook

Loading…