Drayber na may limang anak, isinauli ang P175k na naiwan ng mag-asawang German sa kanyang taxi

Imahe via Bombo Radyo Bacolod | Facebook
  • Hindi natinag si Jhowny Camolista sa naiwang bag ng kanyang pasahero na naglalaman ng malaking halaga
  • Itinurn-over niya ito sa Bombo Radyo Bacolod upang maibalik sa may-ari
  • Malaki naman ang pasasalamat ng mga may-ari na mag-asawang German nationals

Dalawang German nationals ang muntikan nang tuluyang mawalan ng pera kung hindi dahil sa katapatan ng isang drayber ng taxi.

Imahe via Bombo Radyo Bacolod | Facebook

Sumakay ng taxi ang mag-asawa mula Wilcon Depot papuntang CityScape Residences ng Bacolod.  Ayon sa drayber na si Jhowny Camolista, nakababa na ang mga pasaherpo nang mapansin niyang may naiwan na bag at may laman itong malaking halaga at mga importanteng dokumento.

Agad na inihatid ni Jhowny ang bag sa Bombo Radyo Bacolod nang hapong iyon at agad naibalita ito sa mga German nationals. Laking tuwa naman ng mga nagmamay-ari na sina Thomas Schick, 71, at Jutta Schick, 57, at naibalik sa kanila ang  pera na umaabot sa P175,000 at 50 USD.  Bilang gantimpala, binigyan naman ng P5,000 ang drayber bilang pasasalamat.

Anim na buwan nang naninirahan ang mag-asawang banyaga sa Sipalay. Marami na raw silang naging kaibigan. Plano umano nilang permanente nang manirahan sa Pilipinas.

Samantala, ang 48 anyos na drayber ay mula sa E. Lopez,  Silay City.  Kahit na may limang anak, hindi siya natinag sa nakitang malaking halaga. Kaya naman puro papuri sa social media ang kanyang natanggap.

Imahe via Bombo Radyo Bacolod | Facebook

“I’m so proud of your honesty.  Your good deed will be rewarded by God. Tani amo tanan nga tao honest in everything!”

“ I salute you, manong.  Ganito na kahirap ang paghahanapbuhay ngayon pero nagawa mong maisauli ang hindi sa iyo. Wow! Sana lahat maski hindi taxi driver if ganito ka honest na uri ng tao binibless talaga ni Lord.  God bless you, manong driver.”

Ang kabutihan mo manong ay hindi lamang kumakatawan sa mga kapwa mo drayber kundi pati na sa lahat ng Pilipino.  Nagpakita ka ng magandang halimbawa na tayo ay mapagkatitiwalaan ng ibang lahi.

Mabuhay ka!

Loading…