‘I really, really love them’: Megastar Sharon, ipinagdarasal na makatrabaho ang LizQuen

Image via Sharon Cuneta | Instagram
  • Nagpahayag ng pagmamahal at paghanga ang Megastar na si Sharon Cuneta sa reel-to-real couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil
  • Hangad daw ni Sharon na magkatuluyan ang isa sa kanyang mga paboritong showbiz couple
  • Ipinagdarasal din daw niya na makasama sa isang proyekto ang dalawa

Ipinahayag ng Megastar na si Sharon Cuneta ang kanyang paghanga at pagmamahal sa reel-to-real couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil (Lizquen).

Image capture from Instagram

Sa Instagram, ini-upload ni Sharon ang isang recent photo niya kasama sina Liza at Enrique. Saad niya sa caption ng litrato, “I really, REALLY LOOOOOOVE THESE TWO! Liza knows I’ve been her fan since her pre-(‘di natuloy sayang) Darna days. I hope they stay together forever. Praying I get to work with them someday soon, too!”

Natuwa at nasabik ang maraming social media users sa post na ito ng Megastar.  Anila, tiyak na magiging maganda ang pelikula kung magsasama-sama silang tatlo dahil pare-pareho silang mahuhusay at talentado.

Pang-#forever

Samantala, hindi lamang si Sharon ang nagmamahal at sumusuporta sa samahan ng magka-love team at magkasintahan, lalo na at habang tumatagal ay mas hinahangaan ng marami ang pagmamahalan at pagsasama ng dalawa.

Kamakailan ay kinumpirma nilang napag-uusapan na nila ang kanilang hinaharap, kabilang na ang pagpapakasal. Ibinahagi rin ni Enrique na may plano siyang magpatayo ng magiging bahay nila ni Liza kapag nakapagpagawa na siya ng bahay para sa pamilya.

“And then I’m going to be building with Hopie in Vermosa in the future,” wika ng aktor.

Nakikita raw ni Enrique si Liza bilang isang anghel sa lupa na nagbibigay ng labis na tuwa at pagmamahal kaya hangad niya ang magagandang bagay para sa kanyang real-life girlfriend.

Image capture from Instagram

Wika pa niya, “You’re not just drop dead gorgeous, babe, you’re the most beautiful human being I’ve ever met. Sometimes it’s just too good to be true.”

Sino ba naman ang hindi kikiligin sa kanila?

Loading…