Ang kandado ng pintuan ng karamihan ng bahay noon: May gumagamit pa ba nito ngayon?

Imahe via Lorenz Raphael Facebook
  • Pinag-usapan ng mga netizens ang laawan ng iba’t-ibang kandado ng pintuan ng bahay noon
  • Ang mga ito ay karaniwang DIY na gawa ng kahoy, bakal o pako
  • Ngunit dahil sa seguridad, hindi na ito praktikal na gamitin ngayon

Ganito ba ang itsura ng lock ng pinto ninyo noon?

Imahe via Lorenz Raphael | Facebook

Ibinahagi ni Lorenz Raphael sa Facebook ang larawan ng apat na karaniwang kandado ng pinto ng bahay noon. Maaaring gawa ito sa putol na kahoy na ikinakabit sa gilid ng pinto at siyang ginagawang harang. Ang isang klase naman ay gawa sa bakal o lansang na ginagawa ring harang. Puwede ring baluktutin ang malaking pako at ilansang ito sa door jam ng pinto. Ang pang-apat na klase ay nabibili mo sa hadware at ito ay bakal na magkapares. Hook ang tawag dito na nakikita natin sa mga kabinet.

Tiyak na hindi talaga natin alintana ang pagpasok ng mga masasamang loob noon dahil sa napakasimpleng lock na ito kung saan isang tadyak lang ay masisira na agad. Hahaha. Ngunit noon ‘yon at isa na lang itong alaala dahil nagbago na talaga ang seguridad natin ngayon.

Kaya naman ngayon, maliban sa lock ng door knob, naglalagay pa tayo ng double lock o pangalawang lock sa pintuan. Minsan, kahit na doble-doble na ito, pilit pa rin itong sinisira ng iba.

Imahe via Pixabay

Ikinuwento ng mga netizens ang kanilang alaala sa makalumang kandado

“Kulang pa nga ‘yan. May dos por dos sdin a pintuan, tapos sa bintana nilalagay namin majong card para ma buksan ang bintana.”

“Ganyan dati ang lock ng pintuan namin noon. Ngayon, hindi na puwede kasi ‘yong nga double lock at naka-screen door na pinipilit pa rin pasukin ng iba.”

“Hahaha… Until now ‘yong pic sa baba right side is our lock sa cabinet namin.”

Binago man ng panahon ang mga kandado na ginamit natin sa pintuan, hindi naman nito nabura ang mga alaala ng simpleng pamumuhay at maluwag na seguridad natin noon.

Mayroon pa ba sa inyo ang gumagamit ng mga kandadong ganito?

Source :

Facebook

Loading…