Lakas ng katawan at kasipagan, ipinamalas ng mga batang nangangahoy noon

Imahe via Magsasaka Bayani Ka | Facebook
  • Mga larawan ng pangangahoy ng mga estudyanteng bata ang patunay ng lakas ng katawan at kasipagan ng kabataan noon
  • Ginagawa itong panggatong para sa pagluluto sa abuhan
  • Nagbalik-tanaw ang mga netizens ng kanilang karanasan na isa sa humubog sa kanilang kabataan

Naranasan mo bang mangulekta ng kahoy pauwi mula paaralan para gawing panggatong noon?

Imahe via Magsasaka Bayani Ka | Facebook

Mga larawang nagbabalik sa dating alaala ng pangangahoy ng ilang mga netizens ang ibinahagi ng Magsasaka Bayani Ka Facebook page.

Dati, hindi lamang pag-aaral, pagsasaka at pag-iigib ng tubig ang pinagkakaabalahan ng mga kabataan sa probinsiya kundi kasama na rin ang pangangahoy. Kinakarga ito sa balikat o ulo ng mga bata habang naglalakad ng ilang kilometro  na minsan ay nakayapak pa.

Noon kasi, hindi pa uso ang mga de-kuryenteng appliances at nakasalalay lahat sa kahoy o uling ang pagluluto sa abuhan. Kaya naman nakadepende rin sa mga nangungulekta ang dami ng suplay ng panggatong dahil kailangan pa itong patuyuin bago magagamit. Mahalaga ring mag-imbak ng kahoy para marami ang suplay na nakahanda sa tag-ulan..

Kahanga-hanga ang kakayahan ng munting katawan ng mga bata dahil mabigat man, wala sa kanilang isip ang sumuko. Kapag may kasama kang mga kaklase o kapatid, hindi mo na batid ang pagod ng katawan.

Nagkuwento ang mga netizens ng kanilang karanasan ng ukol dito noon.

“Naranasan din namiin ‘yan noong mga bata pa kami. Enjoy kumuha ng kahoy pag madami kayo. Hehehe.”

“Naalala ko tuloy noong kabataan ko. Pasan ko ang kahoy sa balikat ko. Pag pagod na, humihinto ako. Sa ulo ko naman ilagay ang kahoy kasi masakit na ang balikat ko. Hayyyyyyy…”

Imahe via Magsasaka Bayani Ka | Facebook

“Ganyan din kami no’ng bata pa. Nangunguha ng kahoy tapos ‘yong iba panggatong. ‘Yung iba ibinbenta namin.”

“My favorite task was to gather firewood. I even climbed acacia and guava trees carrying a bolo to cut branches. Then pile them up neatly under the sun. Hard work. I enjoyed it. Never complained.”

Ang mga kuwentong ito ang patunay na nakabibilib ang tibay ng katawan at kasipagan ng kabataan noon. Subalit sana wala nang bata ngayon ang mangangahoy para makapagbigay na ng mas maraming oras sa pag-aaral.

Source :

Facebook

Loading…