Little Naddie: Video ng batang Nadine Lustre, kinagiliwan ng marami

Images via @nadine | Instagram
  • Kinagiliwan ng marami ang video ng popular actress na si Nadine Lustre noong siya ay bata pa lamang
  • Kuha noong October 30, 1995, makikita sa video si Nadine na nakasuot ng costume at may hawak na trident; hindi malikot ngunit maya’t maya’y ngumingiti at nangniningning pa ang mga mata
  • Sa comments section ng post, ipinahayag ng kanyang mga tagahanga at kaibigan sa industriya ang pagkaaliw at pagkatuwa nila sa batang Nadine

Pinasaya ng popular actress na si Nadine Lustre ang marami matapos magbahagi ng isang throwback video sa social media.

Image capture from Instagram

Sa kanyang Instagram account, kinagiliwan ng marami ang video niya noong siya ay maliit na bata pa lamang. Kuha noong October 30, 1995, makikita ang aktres na nakasuot ng costume at may hawak na trident; hindi malikot ngunit maya’t maya ngumingiti at nangniningning pa ang mga mata, makikita kung gaano siya kasaya sa mga sandaling iyon.

Sa comments section ng post, ipinahayag ng kanyang mga tagahanga at kaibigan sa industriya ang pagkaaliw at pagkatuwa nila sa batang Nadine, na ngayon ay isa nang award-winning actress.

Kung babalikan, ang video na ito ay kuha mahigit kalahating dekada bago magsimula ang showbiz career ni Nadine bilang isang kiddie host noong early 2000s. Sa isang panayam, ibinahagi niya na para lamang siyang naglalaro noon lalo na at may mga kasama siyang ibang mga bata sa show.

“I used to host, dance, and sing doon po. Batang-bata pa lang. I think I was nine years,” pagbabahagi niya.

“It was fun kasi may ibang mga bata rin. But as I was growing older, parang hindi ko in-expect na didiretsuhin ko, kasi parang nagma-mature na so seryoso na. Hindi na siya laro-laro,” pag-amin niya.

Ngunit tadhana na nga marahil ni Nadine ang maging isa sa mga pinakasikat at pinakamahuhusay na aktres ng kanyang panahon.

Image capture from Instagram

Loading…