Mga detalye sa comeback TV series ni Julia Montes na 24/7, ibinahagi

Image capture from ABS-CBN's video | YouTube
  • Ipalalabas na ang comeback television series ng aktres na si Julia Montes na 24/7
  • Bilang kapalit ng magwawakas nang “The Haunted”, mapapanood ito tuwing Linggo simula February 23
  • Inilabas na rin ang trailer ng serye, kung saan ipinakita ang karakter ni Julia bilang isang security officer na naghahanap ng lunas para sa virus na tumama sa kanyang anak sa panahon ng isang outbreak

Isa ka ba sa mga excited na mapanood muli si Julia Montes sa telebisyon? Kaunti na lang at mapapanood mo na ang comeback television series ng aktres na 24/7.

Image capture from ABS-CBN’s video | YouTube

Sa kanyang interbyu sa Tonight With Boy Abunda, inanyayahan ni Denise Laurel ang mga viewers na panoorin ang kanilang upcoming program na 24/7, na ipalalabas tuwing Linggo, 8 p.m., simula February 23. Ito ay magiging kapalit ng kanyang mini series na The Haunted.

“Abangan n’yo rin po ako sa 24/7. Malapit na po iyan,” pagbabahagi niya.

Bukod kay Denise, nauna nang inisa-isa ang iba pang makakasama ni Julia sa series, kabilang na ang aktor na si Arjo Atayde.

Sa Instagram, ini-upload ni ABS-CBN AdProm Head Eric John Salut ang ilang litrato mula sa recent press conference ng 24/7. May bukod na post tungkol sa unang pagsasama nina Julia at Arjo.

“First time together! @montesjulia08 and @arjoatayde in 24/7, soon!” saad sa caption ng litrato.

Bagama’t hindi isiniwalat kung magkakatambal sa huli ang dalawa, marami ang nagsabi na bagay sila at sa larawan pa lamang ay makikita na ang kanilang chemistry. May mga nagsabi rin na tiyak na magiging maganda ang action-packed series dahil pareho silang mahuhusay na artista at may kakayahan talagang gumanap sa mga maaaksyong eksena.

Image capture from Instagram

“Wow, finally magkasama na ang dalawa kong idol na sina @montesjulia08 at @arjoatayde,” pagbabahagi ni @eonalyn413.

“Swak na swak ‘yong tambalan nila! Sana sa gabi ang palabas nila,” kumento ni @anochegecell_72096.

“Nakaka-miss si Julia,” wika ni @lovelyprincessv. “With Arjo pa! Excited to watch this!”

Samantala, inilabas na rin ang trailer ng serye, kung saan ipinakita ang karakter ni Julia bilang isang security officer na naghahanap ng lunas para sa virus na tumama sa kanyang anak sa panahon ng isang outbreak. Panoorin:

Loading…