Pinoy favorite: Binatog na meryenda tuwing hapon, hinahanap-hanap hanggang ngayon

Image capture from Princess Ester Landayan's video | YouTube
  • Isa sa mga inaabangan ng marami noon ang tuwing hapon ang pagdaan ng nagtitinda ng binatog
  • Sa isang Facebook post, binalikan ng marami ang mga alaalang kakabit ng binatog; na inaabangan daw nila palagi na ilako tuwing hapon
  • Ang pagkaing ito na paborito ng marami noon ay hinahanap-hanap pa rin pala nila hanggang ngayon

Agad ka rin bang tumatakbo palabas sa tuwing maririnig mo na papalapit na ang nagtitinda ng binatog? Iniiwan mo rin ba ang iyong mga kalaro para bumili nito? O sabay-sabay kayong hihinto sa paglalaro para magmeryenda muna nang magkakasama?

Image capture from Facebook

Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga alaalang kakabit ng binatog; na inaabangan daw nila palagi na ilako tuwing hapon. Ang pagkaing ito na paborito ng marami noon ay hinahanap-hanap pa rin pala nila hanggang ngayon, kahit pa bihira na lamang o wala na talagang dumadaan sa kanila na nagtitinda nito.

“Masarap na almusal at merienda noong mga bata pa kami,” pagbabalik-tanaw ni Angelina Pacheco-Lopez De Guzman. “Pinatutulog kami tanghali ni Ina. Pagkagising, binatog ang meryenda namin at pilipit (tinapay na malutong at matamis).”

“This is really my favorite! Tuwing hapon, inaabangan ko na iyong sumisigaw ng binatog!” wika ni Janet Espino.

“My favorite! Brings back my childhood memories,” sabi ni Josephine Olmedo-Asanion.

“Wala nang nagbebenta rito. Dati, ‘pag naririnig namin ang kalatog ng bell niya na bakal, ”Yan na si manong na nagbebenta ng binatog!’ Now, mayroon na sa mall, ang mahal nga lang kasi name ng ang binabayaran mo,” kumento ni Ma Luz Dugayo.

Pagbabahagi naman ni Mark Vincent C. Manalang, “Sarap niyan! Hanggang ngayon, ‘pag may dumadaan dito sa amin niyan, bumibili pa rin ako. Dating gawi, padagdag ng niyog at asukal.”

Image capture from Facebook

Ikaw, ano ang hindi mo makalilimutan sa nakagawian noon na pagkain ng binatog tuwing hapon?

Source :

Facebook, YouTube

Loading…