Pinoy favorite: Mahilig ka rin bang kumain ng ginataang mais?

Image capture from Panlasang Pinoy's video | YouTube
  • Isa ang ginataang mais sa mga pagkaing gustong-gusto ng maraming Pilipino
  • Sa Facebook group na Memories of Old Manila, natakam ang marami sa larawan ng ginataang mais na ini-upload ng isa sa mga miyembro
  • Bukod sa masarap ang pagkaing ito na isa sa mga all-time favorite ng mga Pinoy, marami rin itong ibinabalik na alaala ng kahapon

Mahilig ka rin bang kumain ng ginataang mais?

Image capture from Facebook

Hindi maikakaila na isa ang ginataang mais sa mga pagkaing gustong-gusto ng maraming Pilipino. Masarap kainin bilang agahan, puwedeng-puwede rin sa ito sa oras ng meryenda. Paborito ng mga “young once” na kinalakihan na ang pagkain nito, pero gusto rin naman maging ng mga bata.

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, natakam ang marami sa larawan ng ginataang mais na ini-upload ng isa sa mga miyembro. Bukod sa masarap ang pagkaing ito na isa sa all-time favorites ng mga Pinoy, marami rin itong ibinabalik na alaala ng kahapon para sa ilang nagkumento; lalo na iyong mga ipinagluluto nito ng kanilang mga magulang noong sila ay bata pa.

“Top favorite ko ang ginatang mais! Next naman ang halo at last ang monggo,” kuwento ng social medis user na si Michael Carpio.

“Bakit noong bata pa ako, ayaw ko lasa ng ginataang mais? Pero ngayong senior na ako, ay, sus, pagkasarap-sarap nito para sa akin! Minsan nga sinasamahan ko pa ng fresh gata!” pagbabalik-tanaw ni Bitoy Villamor.

“Ganiyan ang nanay ko kung magluto ng ginataang mais o munggo, pang-toppings ang kakang gata. Sarap!” pagbabahag naman ng Facebook user na si Myra Angeles Cabrera.

Image capture from Facebook

Ikaw, paborito mo rin ba ito? Nais mo bang matutunan kung paano iniluluto ang masarap na pagkaing ito? Narito ang video ng Panlasang Pinoy para mga hakbang na kailangang sundin para makapagluto ng masarap na ginataang mais:

Source :

Facebook, YouTube

Loading…