Pinoy favorite: Sinong hindi matatakam sa masarap na kalamay?

Image via Batang Pinoy-Ngayon at Noon | Facebook
  • Isa ang kalamay sa mga paboritong kainin ng maraming Pilipino noon hanggang ngayon
  • Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” ang mga panahong madalas silang bumili ng kalamay na inilalako o itinitinda sa mismong eskwela nila
  • Bukod sa marami ang nahilig kumain nito, marami rin daw nagtinda ng mga ito noon para maipandagdag sa kanilang pambaon

Hindi maikakaila na isa ang kalamay sa mga paboritong kainin ng maraming Pilipino noon hanggang ngayon.

Image capture from Facebook

Ngunit kalamay pala na ito ay hindi lamang basta masarap–marami rin itong kakabit na alaala.

Sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” ang mga panahong madalas silang bumili ng kalamay na inilalako o itinitinda sa mismong eskwela nila. Bukod sa marami ang nahilig bumili at kumain nito, marami rin daw nagtinda ng mga ito noon para maipandagdag sa kanilang pambaon.

“Nagtinda ako ng ganiyan noong Grade 1 ako, taong 1990, para may pera ako pambili ng gusto kong pagkain at meryenda,” pagbabalik-tanaw ng social media user na si Adapse Azcela Nejircas. “Minsan, iyon na rin ang meryenda ko tapos kumukuha na lang ako ng porysento ko.”

“Nagtinda kami ng pinsan ko niyan. P14 lang sa amin kapag naubos iyan hahaha. Masaya na kami. Kaso lang, nawala ang buong P100 sa benta namin. Hahaha! Hindi na kami bumalik, kinain pa namin iyong natira,” kuwento ni Marmar Tulay.

Pagbabahagi naman ni Akane Goto, “Inaabangan naming mag kkapatid Yan hbang naka upo kami sa hagdan na mlapit sa daanan ,pag npadaan c aling Zeny sa amin at may tirang pninda iaalok sa amin ,..bandang huli ibibgay nlang sa aming mag kakpatid nuon dhil Alam nya na wla kaming pera na pambili.god bless po sa kanya at maraming salamat.

Image capture from Facebook

Ikaw, mahilig ka rin bang kumain ng kalamay? Nakapagtinda ka rin ba nito noon? Ano ang mga hindi mo makalilimutan sa pagkaing ito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!

Source :

Facebook

Loading…