PWD sampaguita vendor nagsusumikap kahit na maulanan: Netizens humanga kay tatay

Imahe via Viral News Today | Facebook
  • Isang sampaguita vendor ang hinangaan sa social media dahil sa kanyang pagsisikap sa kabila ng pagiging PWD
  • Nakakaawa si tatay dahil inabutan na siya ng ulan sa daan
  • Humanga ang mga netizens at marami ang gustong tumulong sa kanya

Kailan ba tayo huling nagsumikap? Madaling makahanap ng paraan upang magkaroon ng hanapbuhay kapag kumpleto ang ating pangangatawan. Ngunit paano kung hindi?

Imahe via Viral News Today | Facebook

Pinag-uusapan ngayon sa social media ang larawan mula sa Viral News Today sa Facebook.  Isang lalaking nakayapak at putol ang isang paa ang nagbebenta pa rin ng sampaguita.  Sa tulong ng saklay ay nakalalakasd siya kahit papaano.  Maliit man ang kikitain sa sampaguita, balewala iyon magkaroon lamang ng marangal na pagkakakitaan umulan man o uminit.  Sa katunayan, inabutan na ng ulan si tatay kaya nabasa siya habang nasa daan.

Magbibigay talaga ng kirot sa damdamin ang larawang kaya nagbigay ng lakas ng loob ang mga netizens.

“Nakakaawa talaga.  Wala ba siyang anak  para magtrabaho din.siya?  At ang mga tao diyan nakikita ganyan ang itsura ni tatay.  Sana man lang araw-arawin n’yo nang bilhin ang tinda niya. Laban lang tay.”

“Sige lang, tay. Balang araw lahat ng hirap mapapalitan din ng kaginhawaan.”

Bukod diyan marami rin ang humanga sa kanyang kasipagan kahit na may kapansanan.

“‘Yan ang dapat tularan nagpupursige siyang maghanapbuhay kahit ganyan lang si tatay.  God bless you po.  Talo mo pa ang buo ang katawan pero tamad kumita.”

Imahe via Viral News Today | Facebook

“Ito ang dapat bigyan pansin at tulungan.”  Maraming netizens ang nagsabing nais nilang tumulong. Sana sa artikulong ito, mas makilala pa natin si tatay at para matunton siya ng mga gustong bumili ng kanyang sampaguita.

Kaya kung nahihirapan na tayo sa ating trabaho o anumang mga pagsubok, lagi nating tandaan na may mga taong kagaya niya na nagagawa pa ring kumita sa kabila ng kanyang kalagayan,  Dito natin mas lalong nabibigyan ng halaga ang mga biyayang dumarating.

Sana mabiyayaan si tatay balang araw ng magandang trabaho o maliit na negosyo.

Source :

Facebook

Loading…