Sang-ayon ba kayo rito? Babaeng maugat ang kamay, senyales ng kasipagan

Imahe via Magsasaka Mabuhay Ka | Facebook
  • Ang maugat na kamay ng babae ay dulot ng kasipagan
  • Karaniwan ito sa mga maybahay na abala sa buong araw na gawaing bahay
  • Ibinahagi naman ng mga netizens ang kanilang kuwento ng kasipagan sa pagkakaroon ng maugat na kamay

Ikaw ba ay isang babae na buong araw  nagtatrabaho sa bahay?  Malamang minsa’y pinagmasdan mo na rin ang iyong mga kamay. Kamusta naman ang mga ito?

Imahe via Magsasaka Mabuhay Ka | Facebook

Ayon sa isang post ng Magsasaka Mabuhay Ka Facebook page, ang babaeng may maugat na kamay ay masipag.

Resulta kasi ito ng pagkukuskos ng mga dumi, paglalaba, pagluluto, pag-aalsa ng mabibigat at kung anu-ano pang pinagkakaabalahang mga gawain.  Dagdag pa riyan, lantad sa init at lantad sa lamig din ang mga ito kaya bukod sa naglalabasang mga ugat, nangungulubot din ang balat.

Para sa mga ina, hindi na nila alintana ang nagiging hitsura ng kanilang mga kamay basta’t maasikaso lang ang lahat ng pangangailangan ng bawat miyembro ng pamilya.  Kaya naman minsan sa sobrang pagod, iniinda nila ang sakit ng mga ugat at kalamnan.  Kaya bilang malasakit maging matulungin din tayo sa mga gawaing bahay.

Ayon sa Medical News Today, may iba’t-ibang dahilan kung bakit lumalaki ang mga ugat. Ang pagtanda o pagkakaedad ay isa na rito.  Habang tumatagal, numinipis ang ating balat at nawawalan ito ng pagkalastiko.  Sa mga ugat, naiipon ang dugo dahil humihina ang mga balbula nito kaya mas nakaumbok ang mga ugat.  Maliban pa rito, nariyan din ang pagiging payat, pag-eehersisyo, genetics o maaaring may karamdaman sa ugat.

Maraming babae ang nagbahagi ng larawan ng kanilang kamay sa post na ito. Tunay nga na halos magsinghalintulad ang itsura ng mga ito .

Imahe via Magsasaka Mabuhay Ka | Facebook

“Yan ang aking kamay. Hindi sumusuko sa trabaho kahit na nasusugatan ay ok lang basta importante magawa lahat ng trabaho mo sa araw-araw.”

“Ito ang kamay na nagpalaki ng mga anak mag-isa,.magaspang at maraming kalyo. Dito mo makikita ang ebidensyang no words can say!”

Ngunit may iba nama na kahit abala ay nagbibigay ng panahon upang magpamanicure para gumanda ito tingnan.

“All around housewife ako.  Sa bahay pa lang kulang na ang maghapong mag-asikaso sa pamilya.  Pero hindi ko naman kinalimutang magpamanicure ——reward sa kamay ko.”

Ang bawat kamay ay may sariling kuwento ng kasipagan.  Kaya magpasalamat tayo sa mga nag-aruga sa atin at nagsigurong malinis ang ating bahay.

Loading…