Sustento ng dating kinakasama natigil: Mag-iina, asukal ang inuulam

Imahe kuha mula sa video ng Raffy Tulfo in Action via YouTube
  • Humingi ng tulong kay Raffy Tulfo ang isang misis na naghihinagpis dahil nawalan ng sustento ang mga anak
  • Hindi na nagpaparamdam ang dating kinakasama na si Paul at ipinagpalit na siya sa iba
  • Tumulong si Raffy na makontact ang pinagtatrabahuan ni Paul upang makapagdialogo sila

Mahirap na maging ina lalo na kung iniwan ka pa ng iyong asawa.

Imahe kuha mula sa video ng Raffy Tulfo in Action via YouTube

Dumulog sa programang Raffy Tulfo in Action si Editha Grajo, 32 taong gulang, isang secretary mula Dasmarinas, Cavite.  Inireklamo niya ang kanyang dating ka-live in na si Paul Tanghap, 56 at isang Grab driver sa Cebu City.  Kuwento ni Editha, bigla na lang hindi nagparamdam si Paul.  Iyon pala sumama na siya sa iba habang sila pa ang magkarelasyon.  Tatlo ang kanilang anak.

Nobyembre nang mawala na ang komunikasyon ng kanyang partner sa Cebu.  Puro seen mode na lang umano ang mga mensahe niya sa Facebook.  Nagkasakit daw ang mga bata ng buwan na iyon kaya panay ang pakiusap niya kay Paul subalit hindi na umano sila inintindi.

Noong Enero, nakablock na siya sa Facebook pati ang mga cellphone number niya.  Tumawag daw ang dating partner  noong isang araw at gusto niyang kunin ang mga anak sa kanya.

“Hindi naman pupuwede iyon.  Paano naman ako? Sustento lang naman ang hinihingi ko sa kanya,” salaysay ni Editha.

Imahe mula sa video ng Raffy Tulfo in Action via YouTube

Humingi ng tulong si Raffy Tulfo kay Jack Tan, ang operations manager ng Grab Philippines. Ayon sa manager, kakausapin niya ang operator ng sasakyan ni Paul.  Ipapareport ang dating partner sa satellite office nila sa Cebu para magkaroon sila ng dialogo ng pamilya.

Nanawagan si Editha na bigyan naman ng halaga ang kanilang mga anak. Ang kanyang pamasahe para makarating ng Maynila ay inutang niya pa raw.

“ Sa totoo lang, sir, kaninang umaga, asukal lang ang almusal namin, sir!” pagbubunyag niya kay Raffy.

Matapos ang programa, pinalitan ni Raffy ang kanyang pamasahe at nagbigay pa ng pera para sa kanyang mga anak para sa mga pangunahing pangangailangan. Masaya si Editha dahil malaking tulong na raw iyon sa kanila ng mga anak niya.

Magkakasundo kaya sila ni Paul sa sustentong hinihinig ng kanyang dating kinakasama? Aabangan natin ‘yan sa susunod na episode.

Narito ang episode na iyon ng Raffy Tulfo in Action.

Source :

YouTube

Loading…