‘Tatay Time’: Chito Miranda, gumawa ng page para sa mga amang katulad niya

Images via Chito Miranda | Instagram
  • Gumawa ng Facebook page ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda para sa mga ama na katulad niya
  • Aniya, layunin niyang punuin ang “Tatay Time” ng mga topic at discussions tungkol sa fatherhood, upang matuto silang mga tatay sa isa’t isa
  • Ito raw ay maituturing nilang “tambayan ng mga tatay”

Para makapagbahagi at matuto sa mga amang katulad niya, gumawa ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ng Facebook page para sa mga tatay.

Image capture from Facebook

Sa isang Facebook post sa kagagawa lamang niyang page na Tatay Time, sinabi ni Chito na ang page ay para sa nga taong may tanong, aral, at kuwento na may kinalaman sa fatherhood.

“Ginawa ko ‘tong page na ‘to para sa mga tatay, sa mga magiging tatay, sa mga taong may tanong tungkol sa pagiging tatay, at sa mga taong nais mag-discuss ng kahit anong may kinalaman sa pagiging tatay. Baka lang marami tayong matutunan at makatulong tayo sa isa’t-isa. Please feel free to share stories, tips, or ask questions na may kinalaman sa pagiging tatay or sa pagiging asawa,” aniya.

Dagdag pa ni Chito, bukod sa mga tatay, bukas din ito para sa mga nanay o anak na may tanong sa kanilang mga asawa o ama.

“Welcome lahat dito, ‘di lang mga tatay! Kahit mga anak na may questions tungkol sa mga tatay nila, puwede rin! Or pati mga nanay na may tanong tungkol sa mga asawa nila! Basta kahit sino puwede,” wika ng OPM singer.

Ngunit paglilinaw ni Chito, hindi naman siya eksperto sa pagiging ama at maging siya man ay naghahangad din na matuto sa mga kapwa tatay niya.

“Heads up lang, moderator lang ako, hindi ako expert or advisor. Hahaha! Makikibasa at makiki-comment lang din ako. Hehe!” sabi pa ng musikero.

Sa kasalukuyan ay halos 25K na ang followers ng page at marami nang nagbahagi ng mga larawan ng mag-aama.

Image capture from Facebook
Source :

Facebook

Loading…