Balik-tanaw: Nagkahilig ka rin ba noon sa paglalaro ng Bomberman?

Image captured from nenriki86's video | YouTube
  • Bago pa nauso ang modernong gadgets at digital games, may mga video games nang tinangkilik ang mga batang Pinoy noon
  • Isa sa mga ito ang Bomberman na inilabas noong 1980s at nanatiling popular maging sa mga 90s kids
  • Sa post ng Facebook page na Kami ang Batang 90s, binalikan ng mga “young once” ang mga alaalang naging kakabit na ng game na ito

Napasaya ka rin ba noon ng video game kung saan kailangan mong talunin isa-isa ang mga kalaban sa pamamagitan ng pagpaplanta ng mga bomba sa tamang lugar at oras? Nakahiligan mo rin ba ang paglalaro ng Bomberman?

Image capture from Facebook

Bago pa nauso ang modernong gadgets at digital games, may mga video game nang tinangkilik ang mga batang Pinoy noon–isa sa mga ito ang Bomberman na inilabas noong 1980s at nanatiling popular maging sa mga 90s kids.

Sa post ng Facebook page na Kami ang Batang 90s, binalikan ng mga “young once” ang mga alaalang naging kakabit na ng game na ito na palagi nilang nilalaro noon.

“Isa iyan sa mga paborito kong laro,” wika ng Facebook user na si Raz Alas.

“Hahaha! Naalala ko nanay ko rito. Iinatago ng nanay ko iyong adaptor ng Family Computer para hindi namin malaro ito. Nakakaadik kasi. Hahaha!” kuwento ni Nelson Lober Jr. “Ang hindi niya alam, hinihintay lang namin siyang makatulog sa gabi at sa gabi kami maglalaro nito.”

“Isa ako sa mga naadik sa game na iyan. Halos inuumaga na ko sa gigil ko sa mga kalaban,” pagbabalik-tanaw ni Heart Heart.

“Kapag natapos mo iyan ito ang message na lumalabas sa screen, ‘Bomberman becomes runner. See you again at lode runner,” kumento naman ni Pelobello Erico, isa sa mga nakatapos ng buong game.

Image capture from Facebook

Memory lane! Sino nga ba ang makakalimot sa saya, excitement, at kaba na nadarama natin sa tuwing naglalaro ng Bomberman?

Loading…