‘I-free ko na ang 1 month rent dahil sa crisis ngayon’: Nangungupahan tuwang-tuwa dahil sa malasakit ng landlady

Imahe via Tpc Melinda Lagusad Tagra | Facebook | Pixabay
  • Nilibre ng kanyang landlady ng isang buwang renta si Melinda Lagusad Tagra
  • Sa kanyang tuwa at laki ng pasasalamat, ipinost niya sa Facebook ang text ng kanyang landlady
  • Napa-sana all naman ang mga netizens at umasang pati rin sila ay mapagbigyan

Mahirap para sa mga nangungupahan o nagbabayad ng buwanang mortgage ang nangyayari sa atin ngayon. Dahil sa istriktong community quarantine, marami ang pansamantalang pinatigil muna sa pagtatrabaho o pagnenegosyo.

Imahe mula Pixabay

Ang pangamba kung paano makababayad ay tiyak na hindi magpapatulog sa ’yo.

Mabuti na lang at mabait ang landlady ng isang netizen na si Melinda Lagusad Tagra. Napakasuwerte niya sa landlady na may malasakit sa kagaya niyang nangungupahan.

Ibinahagi niya sa Facebook ang magandang balita na natanggap niya noong isang araw.

“Thank you Lord kakareceived ko lang po ng message from our landlady na hindi po kami magbabayad ng rent for 1 month. Laking tulong po talaga. Napakabait niya po at naintindihan niya ang sitwasyon ngayon.”

Lahat mapapa-sana all talaga sa kabutihang iyon. Ipinost pa ni Melinda ang text ng kanyang landlandy.

Sabi dito, “Hi Melinda, sa April 15 huwag ka magbayad ng upa. Bale ang next payment mo, sa May 15 na. I-free ko na ‘yong 1 month rent dahil sa krisis ngayon. Ingat na lang kayo. Salamat.”

Dahil dito, ang pang-araw-araw na lang na konsumo ang hahanapan ni Melinda ng paraan.

Imahe via Tpc Melinda Lagusad Tagra | Facebook

Ang kanyang post ay umabot na sa 26k reactions, 11k comments at 90k shares.

Marami ang nangarap na sana magkaroon din ng konsiderasyon ang kanilang landlady.

“Sana kami ganyan din sana. May malasakit sa kapwa ang may-ari ng bahaiy. Ikaw na bahala Lord God sa amin sa lahat ng crisis na dumarating ngayong taon. Amen”

“Pagpalain ka po. Sana ganyan din sa’min! Kaso mukhang malabo at kailangan ko pang pumunta kay President Duterte next month..”

Sana’y mas marami pang landlady ang makauunawa sa hirap ng kalagayan ng kanilang mga nangungupahan ngayong may enhanced community quarantine.

Source :

Facebook

Loading…