Larawan ng mga bibilhin, kodigo ni mister sa paggo-grocery

Imahe via Bhii Artworks | Facebook
  • Ibinahagi ng isang Facebook page ang isang ideya paano mapadali ang pago-grocey ni mister
  • Ito ang pag-imprenta ng mga larawan ng mga bibilhin sa halip na listahan lamang
  • Naaliw naman ang mga netizens sa suhestiyon at nagkuwento pa ng mga nakatatawa nilang karanasan

Sa mag-asawa, kadalasa’y ang mga misis ang namamalengke. Mas mabusisi kasi sila lalo na pagdaitng sa presyo at kalidad ng mga produkto. Ito ang dahilan kung bakit medyo matagal silang matapos.

Imahe via Bhii Artworks | Facebook

Ngunit paano kung may mga pagkakataong si mister ang kailangang mamalengke lalo na’t may mga chikiting si misis na kailangang bantayan? Kapag ganito, nagbibigay ng listahan si misis dahil mas alam niya kung ano ang mga kulang sa bahay at upang masigurong tama at wala makalilimutan sa pago-grocery.

May isang suhestiyon ang Bhii Artworks Facebook page. Mag-imprenta ng larawan ng mga bibilhin bilang kodigo ni mister. Nagbahagi pa ito ng halimbawa. Kabilang sa mga grocery items na kasama ang de lata, wet wipes, biscuit, pangkuskos at marami pang iba. At siyempre huwag kalimutan ang pambayad. Hahaha. Nakakaaliw pero malaking tulong.

Hindi naman sa minamaliit ang mga mister ngunit gabay na rin ito para mas mapabilis ang pagpipili nila.  Minsan kasi, nariyan na ang listahan, tumatawag pa rin sa asawa.  May mga pagkakataon kasing nalilito pa rin sila at hindi sigurado.

Kunyari pagdating sa shampoo.  Marami kasing klase ito sa iisa lang na brand a may singkulay din sa ibang brand. Ganoon din pagdating sa sabon. Kaya sa paggawa ng kodigong ito mas madali nilang mahanap  ang mga  bibilhin.

Nagkuwento naman ng mga nakaaaliw na karanasan ang mga netizens.

Imahe via Bhii Artworks | Facebook

“Bawang, baawang, bawang, bawannnnggggg. Pagdating sa tindahan, ‘Pagbili nga pong sibuyas.’ ”

“Hahaha. Parang yung nakita ko kanina sa grocery. May listahan na may pa-phone call pa sa misis.”

“Dapat talaga ganyan eh. Pinabili ko isang beses. Bili ka Surf fabcon yung animan. Ang binili ay Downy. Matatluhan, dalawa binili.”

Sadyang may mga bagay lang siguro na doon mas magaling ang mga mister gaya ng pagmamaneho, pagpapanday at pagkukumpuni ng mga sira sa bahay.

Kung magkamali man sila, tanggapin na lang. Kahit papaano ginawa nila ang makakaya nila.

Source :

Facebook

Loading…